^

Entertainment

‘Where they make tusok-tusok the tao!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Where they make tusok-tusok the tao!�

Ang Poet N’yo with travel buddies and pilgrimates Danee Samonte (center) and Mike Enriquez. Kabe-breakfast lang namin sa Refuel dito. Excuse me lang po, sa London po ito hindi sa EDSA!

Last week nung sinulat ko sa sulok na ito

Ang ilang TRAVEL TIPS ayon sa mga trips ko,

Lalo sa mga kainan na aking gusto,

Syempre bitin pa’t ilan pa lang naikwento!

 

Ngunit nung hinahanda ko na bale Part Two,

Kainan sa Europa muna inuna ko,

Lalo na sa London ang aking paborito

Ay isang palengke o market… ‘yan ang BOROUGH!

 

Pero anak ng malanding nabaklang toro!

Biglang nag-Breaking News sa bukas na TV ko!

May London Terror Attack sa London Bridge ito!

At may mga nasaksak na tao… sa BOROUGH!

 

Ngek! Wala ngang CAR BOMB pero CAR na VAN ito!

Sa may tulay sinagasaan mga tao!

At sa ibaba n’yan ay palengke ng Borough!

THE THREE TERRORISTS MAKE TUSOK-TUSOK THE TAO!

 

Ngek! Ginawang fishball ang mga parokyano!

Isang linyang Pinoy nagkatotoo rito —

Ano pa eh di “PATAY-GUTOM” bakit ‘kanyo?

Kakain ka lang may papatay pa sa iyo!

 

Dios ko, ano ba nangyayari sa mundo?!

Masarap pa naman na kumain dito!

Si Julia Roberts tuloy pumasok sa ulo —

Ano ‘yan, pag-EAT mo… PRAY kang ‘wag magkagulo?!

 

Huwawawaw! Oh yeah! Kaya LOVE susi rito!

Na mukhang kinukulang na yata ang tao!

But I love the food here at hindi ordinaryo —

Tulad ba ng WANGUS, may kabayo’t kuneho!

 

‘Yun bang sa iba ay pandidirihan ito!

Kakaibang luto’t panlasa mata-try mo!

Mga sari-saring hayop at pati keso!

Paupo o patayo lumalamon tao!

 

Kaya ‘yung Prayer Before Meals natin siguro,

Hindi lang sa kakainin tayo mag-Thank You!

Na sana’y sumabog lang sa bundat ang tao!

At ang marinig na ingay lang ay dighay mo!

 

‘Di naman binabawi TRIP EAT TIP na ito,

Basta Europa ngayon ALERT muna tayo!

Lalo sa mga “turo-turo” tulad nito,

At baka TURORISTA kumain din dito!

 

Basta take a lot of ingats basta matao!

Lalo sa mga bahaging ito ng mundo!

‘Di ka nag-iisa pag nasira ang tyan mo,

Meron na ring mga nasisira ang ulo!

 

Isa pang London tsibugan na aking gusto

Ay BURGER & LOBSTER lalo na ‘yung sa SOHO!

Marami sa London n’yan kaya lang narito

The Soho Hotel! Sa breakfast numero uno!

 

Totoo ‘yan pag ikaw ay isang viajero,

Muy importante ang agahan mo amigo!

Sa iba nga dito nakatodo ang luho!

Dapat busog na busog bago mag-shopping ‘no!

 

Pagdating breakfast ang ranking ko na ONE and TWO

Sa lahat na ng hotel na natirahan ko,

Bukod syempre sa REFUEL doon sa Soho,

‘Yung sa Villa D’Este sa Lago di Como!

 

O papaano eh di break na muna tayo!

Don’t forget to pray para ‘di ka MAANO!

O ano na naman ang inaano ninyo?

Excuse me lang ‘no, ‘di ko kayo inaano!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with