^

Probinsiya

Mga minahan pasasabugin ng NPA rebs

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Nanganganib na lusubin at pasabugin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang malalaking minahan sa Cagayan Valley at Cordillera kasunod ng pagbasura  ng Commission on Appointments (CA) sa posisyon ni Regina “Gina” Lopez bilang kalihim ng DENR  kamakalawa. ?

Sa ipinalabas na pahayag ng Communist Party of the Philippines (CPP), nawalan ang masang Pilipino ng kasangga sa pa­ngangalaga ng kalikasan sa katauhan ni Lopez kaya inihahanda ng rebolusyunaryong puwersa na lusubin ang malalaking minahan na umaabuso sa kalikasan at kahirapan ng mga Pilipino bilang parusa.?

Maging ang mga gina­gamit na trak at anumang apparatus sa minahan na pag-aari ng mga pulitikong nasa likod ng pagbasura kay DENR Sec Gina ay wawasakin ng NPA rebs.

Nawala man sa DENR si Sec. Lopez, sinabi ng CPP na maaasahan ng masa ang NPA na siyang tatayong taga bantay ng kalikasan sa paarang hindi magagawa ng DENR sa ilalim ng pinunong nagmamalasakit gaya ni Sec. Gina.

Binalaan din ng CPP-NPA ang mga kompanya ng pagmimina na guma­gamit ng mga armadong tauhan para supilin ang mga nagpro-protestang mamamayan na hindi sila magdadalawang isip na burahin ang mga ito sa mukha ng mundo.?

“Sadyang nakokompromiso ang usapin ng masa at kalikasan sa impluwensiya ng malala­king kompanya na laging nasusunod sa mga usapin ng lipunan” dagdag na pahayag ng CPP-NPA rebs.

 

vuukle comment

REGINA “GINA” LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with