^

Metro

MRT-3, dalawang ulit na namang nagkaaberya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Muli na namang dumanas ng magkasunod na aberya ang dalawang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) dahilan upang mapilitan silang magpababa ng kanilang mga pasahero kahapon.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, lumitaw na ang unang aberya ay naganap dakong alas-10:30 ng umaga sa  northbound ng Guadalupe Station.

Dumanas umano ng technical problem ang tren kaya’t napilitang magpababa ng mga pasahero, na inilipat na lamang sa kasunod na tren.

Naibalik din kaagad ang normal na operasyon ng tren matapos ang insidente na naitala sa Category 2 status, na nangangahulugan na napalitan ang nasirang tren.

Pagsapit naman ng ala-1:37 ng hapon ay muling dumanas ng technical problem ang isa pang tren ng MRT-3 kaya’t muling nagpababa ng mga pasahero sa southbound ng Ortigas Station.

Pinalipat ng tren ang mga pasahero at nabalik din kaagad sa normal ang operasyon ng tren.

Ipinalagay sa Category 3 ang status ng tren, na ang ibig sabihin ay inalis ito ng walang kapalit.

Ang MRT-3, na bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), ang siyang nag-uugnay sa Taft Ave-nue sa Pasay City at North Avenue, Quezon City.

vuukle comment

MRT-3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with