^

Police Metro

Kelot todas sa nakamaskara

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na la­laki ang binaril at napatay ng isang grupo ng kala­lakihan na nakamaskara na sumalakay kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nasawi noon din ang biktimang si Jayson Mercado Reluban, tricycle driver at naninirahan sa Phase 7B Package 6 Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod. 

Sa inisyal na ulat, dakong alas-5:30 ng umaga ay naglalakad mag-isa ang biktima sa eskinita sa may Phase 7B sa naturang barangay nang harangin ng apat na katao na nakamaskara  at pagbabarilin sa ulo at katawan dahilan ng kanyang agad na pagkasawi.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Police Community Precint 3 sa lugar ng krimen ngunit bigo ang mga ito na mahabol at maaresto ang mga suspek.

Narekober sa lugar ng krimen ang tatlong cartridge ng bala ng kalibre .45 baril, isang live na bala, at isang slug.

Ayon sa purok leader sa lugar, kilala umano na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga ang biktima na kinukumpirma pa ng pulisya.

vuukle comment

JAYSON MERCADO RELUBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with