^

PM Sports

Bakers lalapit sa outright semis seat laban sa Tile Masters

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Ang paglapit sa outright semifinals berth ang hangad ng CafeFrance at Racal Cera-mica sa kanilang paghaharap sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Arena sa Pasig City.

Magtutuos ang dalawang koponan sa ganap na alas-5 ng hapon ma-tapos ang tapatan ng Tanduay at Blustar Detergent sa alas-3.

Mahalagang laro ito para sa CafeFrance at Racal na siyang bu-buwag sa kanilang pagkakatabla sa 6-1 at mag-reresulta sa agawan sa unang puwesto na kasalukuyang hawak ng Cignal-San Beda.

Malalaglag sa third place ang matatalong koponan na maglalagay sa kanila sa quarterfinals na may bentaheng ‘twice-to-beat’ kung sa-an maaari nilang makalaban ang Tanduay o JRU, habang uusad naman sa semifinals ang magwawagi.

Sasandalan pa rin ng Tile Masters ang ka-nilang matibay na line-up na binubuo ng mga NCAA standouts sa pangunguna nina Kent Salado, Rey Nambatac, at Sidney Onwubere pa-ra mapigil ang Bakers na siyang pangalawang pinakamainit na kopo-nan sa torneo.

Aasahan naman ng CafeFrance ang ka-nilang mga manlalaro mula CEU sa pamumu-no nina Congolese center Rodrigue Ebondo, point guard Aaron Jeruta at Patrick Aquino kasama ang kanilang mga bagong recruit na sina Paul Desiderio at Jeepy Faundo.

Samantala, nais namang maipanalo ng Tanduay ang kanilang huling dalawang laro laban sa Blustar at JRU upang maagaw sa AMA ang pang-apat na puwesto at ang kasama nitong ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.

Hangad Blustar na makapagtala ng panalo bago matapos ang elimination round. FMLumba

vuukle comment

CAFEFRANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with