^

Bansa

LP nagsagawa ng caucus

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tatapusin muna ang botohan sa death penalty bill bago magpasya ang Liberal Party (LP) kung mananatili ba o hindi ang mga kongresistang nasa super majority.

Ito ang sinabi ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa ginanap na caucus ng mga miyembro ng LP sa pangunguna ni da­ting Pangulong Noynoy Aquino, Vice President Leni Robredo, Deputy Speaker Marikina Rep. Miro Quimbo, Bataan Rep. Geraldine Roman, Quezon City Rep. Bolet Banal, Cebu City Rep. Raul Del Mar at iba pa.

Sinabi ni Pangilinan na ipinagpaliban muna nila ang pagpapasya kung mananatili ba o hindi na ang mga kongresistang kasama sa supermajority, matapos na tanggalan ng posisyon ang mga LP Senators.

Subalit hinihiling umano ng liderato ng LP sa mga miyembro ng partido na bumoto ng “no” o tutol sa death penalty bill.

Ito rin umano ang posisyon ng LP na nauna nang inilabas noong mga nakalipas na araw subalit sa kabila nito, sinabi ni Pangilinan na kung may mga miyembro sila na gustong sumuporta sa House Bill 4727 base sa kanilang paninindigan, ay hahayaan nilang umiral ang conscience vote.

Binibigyan din umano ng LP ang mga kapartido ng mahaba-habang panahon upang mas mapag-aralan ang kontrobersyal na panukala.

vuukle comment

FRANCIS “KIKO” PANGILINAN

LIBERAL PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with