^

Pang Movies

Alden at Maine hinatulan na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinatulan na nga ng masa kung makakalusot ang bagong seryeng pinangungunahan nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Destined to Be Yours.

Halata kasing hindi nagklik noon sa isang movie na isinali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sina Alden at Maine na kabaliktaran naman ng pagiging patok nila sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. Maaalalang ampon ang role ni Maine sa Kalyeserye bilang kasambahay na si Yaya Dub.

Komento ng marami, sana raw ay hindi masyadong magkapantay ang estado ng buhay nina Alden at Maine sa bago nilang series.

Mas nakaka-relate raw kasi ang fans kapag mahirap lang ang bidang babae. Ngayon kasi ay laging glamorosa ang hitsura ni Maine at hindi na nagpapahuli sa mga babaeng anak mayaman.

Nora malabong mapantayan

May nagkomento raw na hindi naabot ni Superstar Nora Aunor ang kasikatan ngayon ni Maine Mendoza.

Sorry to say, walang makakapantay sa kasikatan ni Guy na umabot ng halos twenty years.

Ngayon pa lang nagsisimula si Maine at walang nakakaalam kung hanggang saan siya tatangkilikin ng masa.

Noong araw, binigyan lang ni Tirso Cruz III si Nora ng manyika na si Maria Leonora Teresa at naging big hit na siya sa record bar at isinapelikula. 

Nakahilera rin ang mga award ni Nora na wala pang gaanong pruweba si Yaya Dub.

Siguro ay panahon lang niya ngayon kaya nailaglag niya pati ang mga sikat na artista. Weder-weder lang po ‘yan.

Brian namigay ng mga libro

Pinagkaguluhan sa Collegio De San Juan De Dios sa Poblacion, San Rafael Bulacan ang poging anak ni Senator Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares.

Pagdating pa lang sa school ni Brian bilang guest speaker sa celebration ng paaralan na sponsored ng parents teacher council sa pamumuno ni Atty. Susan Narcisa De Leon Heura kasama sina Melody Ramos, Jade Mar Quijano, Belen Valte,  Helen Grace Dela Cruz, at Bel Vicho ay talagang pinagkaguluhan na siya.

Hindi nakarating si Senator Grace dahil nagkaroon siya ng urgent meeting. Nakasama ni Brian papunta sa school sina Adonis Samson, Atty. Hermy Huera at Vic Velaro.

Dumalo din sina Monsignor Andres Valera at Father Dennis Torribio, principal ng iskul at Father Dennis Cruz, finance officer.

Nagbasa ng libro at namigay ng mga regalo sa mga estudyante si Brian.

Naging Star Magic talent din pala si Brian pero hindi ito nagtagal dahil mas pinili niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.                   Vir Gonzales

 

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with