^

PM Sports

Baby Tams,Blue Eaglets agawan sa huling finals slot

Philstar.com

MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng FEU-Diliman at Ateneo ang huling puwesto sa Finals ng juniors division ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament.

Mag-uumpisa ang do-or-die game para sa dalawang koponan sa ganap na alas-tres ng hapon.

Naipuwersa ng Blue Eaglets ang winner-take-all match nang burahin ang bentaheng twice-to-beat ng Baby Tamarraws noong Martes sa iskor na 75-56.

Makakalaban ng mananalo ang defending champions Nazareth School of National University na muling pumasok sa Finals sa pang-anim na sunod na pagkakataon matapos pataubin ang Season 78 runner-up na La Salle-Zobel sa kanilang Final Four match-up.

Sinisipat ng Baby Tamarraws na muling makaabante sa Finals mula nang mapanalunan nila ang kampeonato noong 2012.

Hangad din ito ng Blue Eaglets na huling umabot sa Finals noong 2014 kung saan sila ang nag-uwi ng titulo. (FML)

vuukle comment

BABY TAMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with