^

PM Sports

Nag-init si Thompson

Pang-masa

MEMPHIS - Binuksan ni Klay Thompson ang laro mula sa kanyang back-to-back three-point shots, habang nagtala si Draymond Green ng  triple double.

Dumiretso ang Golden State Warriors sa kanilang ikalawang sunod na panalo matapos gibain ang Grizzlies, 122-107.

Kumamada si Thompson ng 36 points, tampok ang 13-of-23 field goal shooting at 8-of-15 clip sa three-point line para sa Warriors, itinala ang kanilang pang-45 panalo sa 53 laban.

Nagposte naman si Green ng triple double sa kanyang 12 rebounds, 10  assists at 10 steals habang nagdagdag si Kevin Durant ng 24 points.

May 22 markers si Andre Iguodala at naglista si Stephen Curry ng 6-of-13 shots kasama ang 2-for-16 clip sa 3-point line.

Umiskor si Mike Conley ng 20 points para sa Memphis, natapos ang tatlong sunod na panalo.

Sa Brooklyn, nagpasabog si James Johnson ng 26 points para pangunahan ang Miami Heat sa 108-99 paggupo sa Nets.

Ito ang ika-13 sunod na arangkada ng Heat para sa kanilang pang-24 sa kabuuang 54 laro.

Nag-ambag naman si Goran Dragic ng 21 points, habang may 18 markers si Tyler Johnson para sa Miami.

Sa Michigan, naglista si Kawhi Leonard ng 32 points at humakot si LaMarcus Aldridge ng 19 point at 11 rebounds para pamunuan ang San   Antonio Spurs sa 103-92 panalo laban sa Detroit Pistons.

Nagposte ang Spurs ng 21-point lead at dinomina ang Pistons sa rebounding, 50-35.

vuukle comment

KLAY THOMPSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with