^

Probinsiya

3 Indonesian kinidnap sa Sulu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng pinaigting na seguridad, tatlong Indonesian na naman ang iniulat na dinukot ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) malapit sa karagatan ng Sulu nitong Huwebes.

 Kinilala ang mga binihag na biktima na sina Subandu Bin Sattu, Sudarling Samansung at Hamdan Bin Salim, base sa talaan na  ibinigay ng Indonesian Police  Attache.

Sa inisyal na ulat sa tanggapan ni Major Ge­neral Carlito Galvez Jr., ang mga kinidnap na dayuhan ay kabilang sa anim na tripulante ng Sandakan –registered fishing vessel. Sinasabing inatake umano ng mga armadong grupo ang nasabing fishing vessel at tinangay ang tatlo sa mga tripulante nito.

 Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang monitoring upang alamin kung saan dinala ng mga kidnappers ang mga bihag kasabay ng pag-alerto sa Joint Task Force Sulu upang imonitor ang posibleng pagdaong dito ng sasakyang pandagat ng mga kidnappers.  

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with