^

Pang Movies

Miss Thailand, inilaglag sa fashion show sa Davao?!

FUNFARE - Lolit Solis - Associated Press

Bidang-bida ang Pilipinas sa official trailer ng 65th Miss Universe na paulit-ulit na ipinapakita sa Fox Channel.

Magaganap ang grand coronation ng Miss Universe sa January 30 sa Mall of Asia Arena pero live ito na mapapanood sa Fox Channel sa January 29 dahil sa different time zone ng Pilipinas at Amerika.

Kagabi ang fashion show sa Davao City at maugong ang balita na dumalo si President Rodrigo Duterte pero duda ako dahil sa January 23 pa ang courtesy call sa kanya ng 86 official candidates.

Hindi kasali sa fashion show sa Davao si Miss Thailand Chalita Suansane at ang balita, si Miss Indonesia Kezia Warouw ang ipinalit sa kanya. Iniimbestigahan pa ng mga tsismosa ang dahilan sa non-participation ni Chalita sa fashion show.

Sen. Sotto at Aiza, nagkokontrahan sa pamimigay ng condom sa mga eskuwelahan!

Iniintriga ang tweet ni Senator Tito Sotto dahil tila may tao na pinatatamaan ang kanyang statement na

“Buy yourself some time to read and study before you speak about serious issues that men like me have been championing for decades.”

Ang duda ng mga intrigera, para kay Aiza Se­guerra ang makahulugan na tweet ni Papa Tito dahil tinututulan nito ang plano na pamimigay ng mga condom sa mga eskuwelahan.

Si Aiza ang chairperson ng National Youth Commission at kontrobersyal ang statement niya para kay Papa Tito, ang kanyang Tito Sen sa Eat Bulaga.

“Mabilis na pagtaas ng HIV/AIDS lalo na sa kabataan, laganap na teenage pregnancy at patuloy na pagtaas ng populasyon ang nagiging sanhi kung kaya’t marami sa ating mga kababayan ang naghihirap at hindi nakaka-access ng dekalidad na serbisyo ng gobyerno. Hindi po ito haka-haka, Mr. Senator.

These are facts. Based on science and research. Bilang gobyerno, responsibilidad natin na pangalagaan at protektahan ang ating constituents.

“Matagal ng ipinagpaliban ang pagpapatupad ng RH dahil sa ‘beliefs’ ninyo and look where it has brought us. You say ‘it’s insensitive to dismiss the sentiment of a conservative culture just because they failed to implement effective health programs’.

“We have an epidemic here, A YOUTH EPIDEMIC.

“It is precisely because of this ‘sentiment of a conservative culture’ kaya lalong pataas ng pataas ang HIV.

“Dahil sa conservative culture na ito kaya kahit obligasyon ng mga magulang at guro na turuan ang kanilang mga anak at estudyante tungkol sa Sex Education, hindi nila ito ginagawa kasi ‘taboo’.

“Dahil sa conservative culture na ito, the Filipino people were denied of RH services for the longest time.

“Damage has been brought upon our people by this conservative culture because it makes us decide based on beliefs at hindi hard evidence.

“Would you rather people keep dying of HIV/AIDS as long as hindi nao-offend ang sensibilities ninyo? Now, sino ang nag- iimpose ng beliefs sa nakararami?” ang litanya ni Aiza na kinokontra ng mga hindi boto sa balak na pamamahagi ng condom sa mga estudyante.

Misis ni Alfred nagbabad sa gym para sa kanilang kasal

For the first time sa kanyang buhay, naranasan ni Yasmine Vargas ang mag-work out sa gym bilang paghahanda sa church wedding nila ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas.

Twenty nine years-old na ang loving wife ni Alfred pero kahapon lamang niya sinubukan na mag-work out, kasama ang kanyang mister.

Ang pumanaw na former Chief Justice Renato Corona ang nagkasal noon kina Yasmine at Alfred. Nag-decide si Alfred noong nakaraang taon na pakasalan niya si Yasmine sa simbahan at mangyayari ito sa July 2017.

Nag-propose si Alfred kay Yasmine sa isang romantic restaurant sa Quezon City noong July 2016. Simple pero elegante ang kasal na pinaplano ng mag-asawa at sure na invited ang mga tao na malalapit sa kanila.

Hindi ako sure kung itutuloy nina Yasmine at Alfred ang balak na lumipad sa Italy para sa kanilang pre-nup pictorial. Pabalik-balik ang dalawa sa Italy dahil dito lumaki at nag-aral si Yasmine.

vuukle comment

65TH MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with