^

Probinsiya

‘Killer’ ng parak at 1 pa, arestado

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines - Naaresto na ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa isang pulis at anak ng bise alkalde sa bayan ng Tupi, South Cotabato, kahapon. Kinilala ni South Cotabato Prov. Director, Sr. Supt. Franklin Alvero ang suspek na si Jonas Capion alyas Junjun. Siya ay naaresto sa Poblacion, Tampakan, South Cotabato sa inilunsad ng pulisya at militar na operasyon laban sa mga cattle rustler sa Tampakan. Ang pinatay na si PO1 Mark John Escobillo ay binaril ng mga suspek nang kanya umanong sitahin habang tinatangay ang pinagdududahang nakaw na kalabaw sa Brgy. Miasong, Tupi noong Disyembre, 2016. Pauwi na sana sa Miasong ang pulis matapos kanyang duty sa Community Police Assistance Center nang mapaslang ng mga suspek.

vuukle comment

AWTORIDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with