^

Probinsiya

Bangka lumubog: Paslit lunod, utol missing

FUNFARE - Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang babaeng paslit nang malunod habang nawawala at nilamon ng tubig ang kanyang nakatatandang kapatid matapos na aksidenteng lumubog ang kanilang sinasakyang bangka sa ilog sa Lamut, Ifugao nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Micha Bermudez, 2 taong gulang at ang nawawalang kapatid na si John Mark Bermudez, 5-anyos, pawang residente ng Diadi, Nueva Vizcaya.

Sa ulat kay Chief Supt. Elmo Francis Sarona, director ng Cordillera Police, naitala ang sakuna sa ilog ng Sitio Compra, Baranga Pugol, nasabing bayan bandang alas-5 ng hapon. Kasalukuyang lulan ng maliit na bangka ang mga bata kasama ang kanilang ina na si Jennelyn Marzan, 25, at tiyahin na si Vinnelyn Bermudez pauwi sa kanilang tahanan nang maganap ang trahedya.

Habang naglalayag sa ilog nang pasukin ng tubig ang bangka buhat sa malakas na agos ng ilog dahilan upang lumubog ito. Nagawa namang mahila ng kanyang ina si Micha na dinala nito sa pampang ng ilog habang tuluyang tinangay ng malakas na agos ang isa pang anak.

 Ang batang babae ay nagawa pang maisugod sa Municipal Health Office pero idineklara siyang dead-on-arrival sa rami ng nainom na tubig habang patuloy ang search ope­rations sa nawawalang batang lalaki na tinangay ng malakas na agos sa ilog.

vuukle comment

BANGKA LUMUBOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with