^

Bansa

Magsasaka, inutas sa taas ng puno ng Niyog

FUNFARE - Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines - Patay ang isang magsasaka matapos barilin ng hindi pa tukoy na salarin habang nasa taas ito ng puno ng niyog at nangunguha ng tuba sa Barangay San Antonio, Sergio Osmeña Sr. sa Zamboanga Del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO-9), ang biktima ay kinilalang si Jimmy Cano­nego Tecson, 51.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Sergio Osmeña municipal police station, kasamang pumunta sa kanilang sakahan ng biktima ang kanyang misis. Nag-paalam lamang umano ito sa kanyang misis na ma­ngunguha ito ng tuba.

Ilang saglit pa ay nakarinig umano ng putok ng baril ang misis ng biktima kaya kaagad niyang tiningnan ang kinaroroonan nito at nakitang duguan na ito habang nakalambitin sa taas ng puno ng niyog at dito na rin binawian ng buhay. Lumabas ngayon sa nakuhang impormasyon ng PNP na posibleng away sa lupa ang ugat na nasabing pamamaril.

 

vuukle comment

MAGSASAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with