^

Pang Movies

Mike Enriquez, Helen Gamboa, etc. idinamay sponsors sa pekeng kasal ng AlDub ‘di basta-basta

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“Ang kiss po sa wedding na lamang,” ito ang panga­ko ni Alden Richards sa AlDub Nation sa katatapos nilang ADN Festival na nagsama-sama ang napakaraming fans nila ni Maine Mendoza sa SMX Convention Center last Sunday.

Pero sa wedding day nila kahapon, after sabihin ng priest na “Alden, you may now kiss the bride,” itinaas na ni Alden ang veil ni Maine, at nang akmang hahalikan na niya ang kanyang very beautiful bride, biglang hinimatay si Lola Nidora (Wally Bayola) at hindi natuloy ang pinakahihintay na kiss ni Alden kay Maine.

Natuloy din ang kiss-the-bride nang matauhan na si Lola Nidora at napuno ng tilian at palakpakan ang buong Christ The King Church, nang matagal ding naglapat ang mga labi nina Alden at Maine, kaya ang fans ayaw maniwalang hindi totoo ang kasalan.

Naging principal sponsors sina Mike Enriquez at Helen Gamboa, Elmer Villasanta ng Magnolia at Irma Adlawan, Joey de Leon and Margot Torres of McDoPh. Secondary sponsors sina Jake Ejercito at Aicelle Santos, Kenneth Medrano at Toni Aquino, Miggy Tolentino, at Taki Sato, best friends ni Maine na sina Janneva Vereceles at Katrina Nicolas with the Baes, at ang sister ni Maine na si Coleen as the Maid of Honor.

Siyempre pa si AiAi delas Alas as Alden’s Lola Baba, Maine’s tres lolas Nidora, Tidora at Tinidora at si Vic Sotto as Daddy Doods na siyang naghatid sa altar kay Maine kasama ang tatlong lolas. Nasa entourage rin ang magkapatid na Baste at Samsam, flower girls sina Ryzza Mae Dizon, Scarlette Mago, at Olivia Mago, at si Sandro Sotto naman ang ring bearer.

For the record, hindi po tunay na pari ang nag-officiate ng wedding, isa sa mga character actors na scripted naman ang mga sinabi. Pero parang tunay na kasal talaga ang nangyari dahil sa pagsagot nila ng “I Do” na tilian sa tuwa ang mga fans, pagsusuot ng ring ng dalawa, parang maiiyak pa sina Alden at Maine habang binabasa ang prayers, then ang paglalagay ng veil and cord sa kanila na pinag-isa na sila.

Pero ang talagang touching ay ang pagbasa nila ng kanilang marriage vows na balita namin ay talagang sila ang sumulat at mula sa puso. Sa simula pa lamang ng pagbasa ni Alden ng vow, nabasag na ang boses niya, pasasalamat niya na nagkakilala sila at pangakong sisiguraduhin niyang lahat ng mga magagandang pangyayari sa buhay nila ay magkasa­ma silang dalawa, at tuluyan nang napaiyak si Alden.

Si Maine, medyo nagpatawa pa na sa una pa lamang niyang makita si Alden, tumalon na raw ang puso niya at gusto raw ba ni Alden na makita ito, at lalo raw gumaguwapo si Alden dahil sa dimples nto. Napaiyak na rin si Maine nang magpasalamat siya kay Alden na natuto raw siyang magmahal nang walang takot kaya pangako niya sa binata na mamahalin niya ito ng buong tapat hanggang sa tumanda sila at sasamahan ito habambuhay.  Lalong napaiyak si Maine kaya niyakap na siya ng mahigpit ni Alden.

At after nga ng first kiss, napuno ng lipstick ang lips ni Alden, humirit pa ulit ang audience ng isa pa, pero sa halip na sa lips ay sa forehead hinalikan ni Alden si Maine, tanda ng paggalang sa bagong “asawa.”

Pictorial with the wedding entourage, nagkatawanan nang humalik si Coleen kay Alden at pabiro siyang itinulak ni Maine. Crush din kasi ni Coleen noon si Alden.

During the wedding ceremony, wala itong commercial gap. Thanks, Eat Bulaga.

vuukle comment

ALDEN

MAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with