Unfair akusahan ang buong PNP – Lacson
MANILA, Philippines - Unfair na akusahan ang buong Philippine National Police bilang isang institusyon ng police brutality dahil sa ginawang pagsagasa ng isang police van sa mga raliyista sa harapan ng US Embassy kamakalawa.
Reaksiyon ito ni Sen. Ping Lacson, dating hepe ng PNP, kaugnay sa nangyaring kaharasan sa pagbuwag sa mga raliyista.
“I think it’s unfair to the Philippine National Police as an institution to be accused of police brutality,” ani Lacson.
Ipinagtanggol din ni Lascon ang driver ng van at sinabing “judgement call” ang ginawa nito na posibleng nakaramdam ng takot na kuyugin ng mga nagpo-protesta.
“That was a judgement call made by one policeman behind the wheel of a police van who might have felt threatened by the possibility of being lynched by the protesters, and who impulsively drove the van wherever he could to avoid the dire consequences of his inaction,” ani Lacson.
Idinagdag rin ni Lacson na personal na desisyon ng driver ng van ang ginawa nito kahit pa may pinaiiral na maximum tolerance o wala.
Kumalat sa social media ang video ng pananagasa ng driver ng van kung saan ilang raliyista ang nasaktan bagaman at wala namang nasawi sa insidente.
- Latest