^

Police Metro

‘Hindi ako masama at demonyong babae’ – de Lima

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Hindi ako masama at demonyong babae”.

Ito ang muling ginawang pagtatanggol  ni Senator Leila de Lima sa kanyang sarili katulad ng gustong palabasin ng kanyang mga kaaway sa mga nakaraang linggo.

Sa kanyang talumpati sa Forum on Women’s Life, Dignity, and Democracy sa Miriam College Katipunan Avenue, Quezon City, sinabi nito na hindi rin siya isang “slut” o babaeng maraming karelasyon.

Ayon kay de Lima, hindi siya nakipag-party o kaya ay sumiping kahit na kaninong drug convict at wala siyang tinanggap na kahit na ano sa sinumang drug convict o drug lord.

Aminado si de Lima na bilang isang tao at isang babae, mayroon siyang mga kahinaan at nakagawa siya ng mga pagkakamali sa kanyang personal na buhay pero iyon umano ay mga pribadong bagay.

Itinuturing din umano ni de Lima na sagrado ang pribado niyang buhay pero pinanghihimasukan na ito ng kanyang mga kalaban.

Inihayag pa nito na hindi umano niya ipinagkanulo ang bansa at nangangamba siyang may mga naniniwala na sa mga atakeng pinapakawalan laban sa kanya ng pinaka-makapangyarihang tao dito sa bansa na ang tinutukoy ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na unang iniugnay ni Duterte si de Lima sa kanyang dating driver at bodyguard na si Ronnie Dayan pero sa pagdinig sa House of Representatives, iniugnay na rin ang senadora maging sa drug lord na si Jaybee Sebastian.

Pero itinanggi ito ni Sebastian at iniugnay naman si de Lima kay Joenel Sanchez na dating security aid ng senadora noong nanunungkulan pa ito bilang kalihim sa Department of Justice.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with