^

Police Metro

Technician na estapador, itinumba

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malaki ang hinala ng mga otoridad na may kaugnayan sa trabaho ang pagpatay sa isang 42-anyos na pinagbabaril ng dalawang lalaki kahapon ng madaling araw sa Balut, Tondo, Maynila.

Ang biktima na namatay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ay kinilalang si Victorino Dela Cruz, residente ng Aplaya St.,  Tondo, Maynila.

Batay sa ulat ng pulisya bago nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas-3:20 ng madaling araw sa eskinita ng Purok 6, Rodriguez, Balut, Tondo ay nakatambay ito nang lapitan ng dalawang suspek at malapitang pinagbabaril.

Lumalabas sa imbestigasyon, na maraming nagagalit na kli­yente sa biktima dahil hindi naman nito nagagawa nang maayos ang kanyang trabaho gayung laging humihingi ng bayad.

Ayon sa pulisya na estapador umano ang biktima na marami na umanong naloko sa kanilang lugar na hinihi­ngan ng pera, subalit hindi naman ginagawa ang trabaho.

Iniimbestigahan din kung may kaugnayan sa illegal drugs ang pagpatay sa biktima dahil isa itong drug user.

vuukle comment

PHILPOP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with