‘Scam exam’
Children, class, meron tayo ngayong bagong lesson,
We’ll study the word SCAM na usong-uso ngayon
Sapagkat ayon sa Google — origin unknown,
So Scam Exam tayo or SCAMINATION!
Aaminin ko’t palagay ko’y same-same tayo
Na ang scam ay isang pinlanong panloloko
At first narinig kay Lolit Solis na kaso
Sa isang Awards Night natatandaan ba n’yo?
At ngayon nga sa balita ay nagbabalik
Subalit wala na ang pangalan ni Lolit,
From Lolit to LO-makers na nga ang pumalit,
Ang palitan ng awards sa pera na nag-shift!
Kaya ngayon ay pwede na nating masabi —
Pinagmulan ng salitang ito’y nadale,
Therefore I conclude — acronym ang scam na ire
Meaning: Swindling Concerning Awards and Money!
Well, medyo simple at mahinahon pa nga ‘yan
Kung tutuusin sa kahulugan ng SCAM,
Subalit may isa at kung paglalabanan,
Ito ang winner — “Senators, Congressmen And Ma’amâ€!
Pag binasa n’yo nang pakaliwa ang SCAM
Ay tunog fried chicken at baboy hindi naman,
Ano ngayon sa isyung ito ang pakiramdam?
Ibibigay n’yo pa ba ay maximum tolerance?
Pero pag binaliktad ang PORK ay swak na swak —
KROP… o, ‘di ba parang pinabilis na CORRUPT?!
Lechon o pork ay kinukurot na masarap,
Pag pinagsama KUROT at SARAP… de KURAP!
Ngak! Ano kaya ending ng lahat nang ito
Na tila ba APORKALYPSE sa pagtingin ko?
At meron pa nga kayang maghanda sa Pasko
Ng litson, barbekyu, hamon at ng adobo?
Mga kantang Pamasko may iba nang titik,
“Santa Claus SCAMMING to town†na raw ang lintik!
At meron pang isang nabago na rin lyrics,
Pag inawit, “Joy to the World, the Lord SCAM…†Ngiks!
At mahirap na yata makalimutan ‘yan,
Laging ipapaalala sa mamamayan
Dahil sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan,
Maririnig, “Silent Night, Holy Night, All SCAM!â€
Pag natapos ang caroling ng batang kombo
At naiabot sa kanila aginaldo,
Ang bagong letra na ng huling kanta nito
Ay, “Thank you, thank you… ang KUKURAP ninyo, Thank you!â€
Ngek na ngek na talaga at imposible na
Ang kasong ito’y malagay pa sa amnesia,
Kaya palagay n’yo ay may pag-asa pa ba
Sa eleksyon may tumakbo’t may bumoto pa?
Mabuti nga’t “thank you†pa ang ginamit dito
At hindi ibang salita bago word na “youâ€,
Ito nama’y tulad ng ibong bato-bato,
‘Wag magalit ang tamaan ng ipot nito!
PDAF or DAP ay katunog pa rin ng KURAP!
Ba’t ‘di simplehan nang maging katanggap-tanggap —
“Para Sa Mga Hikahos At Mahihirap†—
Ayan, ‘di ba malinaw na? In short, PAHIRAP!
Dinadaan kasi sa ilang letrang short cut
O acronym na tunog ayos o masarap,
Programa at pondo para sa mahihirap
At sa kanila umabot kaya’t malasap?
Mahaba ang original na tawag sa DAP —
“Disbursement Acceleration Program†ay na-chop,
Eto pa ang karugtong, ang linyang na–scrap —
“… Of Large Executive Savingsâ€â€¦ hmmm… DAPOLES? Ngak!
H H H
At tamaan sana ng lahat ng ipot ng ibon sa mundo ang hindi manood ng Wow Mali Pa Rin! mamayang gabi, alas-otso sa Singko!
Syanga pala, binigay ng Indonesia noong isang Linggo ang First Miss World title sa atin at kay Megan Young. Binigay naman natin sa kanila ang Eat, Bulaga! noong isang taon. Ano ‘yan, MEGAN-tihan?!
- Latest
- Trending


















Exclusive








