^

Dr. Love

Nakaw ang relasyon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay dalawampu’t pitong taong gulang, may magandang trabaho sa isang bangko, may asawa at dalawang anak.

Ang hindi ko po maunawaan kung bakit sa kabila na mahal ko naman ang aking mister, hindi ko maiwasang makipagrelasyon sa ibang lalaki na tulad ko ay mayroon ding asawa’t mga anak.

Nagmamahalan po kami ni Rolly sa nakalipas na tatlong taon. Kasamahan ko siya sa pinapasukan kong bangko. Tulad ko, hindi niya kayang isakripisyo ang pamilya pero maligaya na sa nakaw na pagmamahal.

Maalalahanin siya at napakaromantiko na hindi ko kailan man natagpuan sa sariling asawa. Dahil makasarili ang mister ko. Ang pakikipagtalik niya sa akin ay para lang sa sarili niyang pagpaparaos.

Hindi tulad ni Rolly na inisip ang satisfaction ng kanyang katalik. Lagi rin siyang may papuri at may pagbati sa umaga sa pamamagitan ng text message.

Ang pakikipagrelasyon ko sa iba ay alam kong hindi lingid sa aking asawa. Pero ang ipinagtataka ko, tila kinukunsinti niya ako. Malimit pa nga niyang sabihin sa akin na the more, the merrier.

Nawiwerduhan po ako sa attitude niyang ito. May pagkakataon na na-realize ko na dapat ko nang tigilan ang maling relasyon namin ni Rolly pero kapag gagawin ko na, hindi ko kaya. Hindi ko kayang i-give up ang aking bank lover.

Pinayuhan na ako ng malapit kong kaibigan na magdesisyon habang hindi pa malala ang sitwasyon. Pero kahit paano ang gawin kong pag-iisip, hindi ko kayang bitiwan si Rolly.

Ano po ba ang dapat kong gawin, Dr. Love? Payuhan mo po ako.

Maraming salamat at best regards sa inyo.

Gumagalang,

Leona

 

Dear Leona,

Alam ko na alam mo na ang dapat mong gawin, nga lang hindi mo itong gustong isagawa. Sang-ayon ako sa sinabi ng kaibigan mo, huwag mo nang hintayin na lumala ang sitwasyon. Dahil may pamilya ka rin at sana hindi mo magagawang isipin ang pansarili 1kaysa sa kapakanan ng mga anak at pamilyang masisira kung mananatili ka sa pagnanakaw ng oras, atensiyon at pagmamahal ng isang pamilyado nang lalaki.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with