^

Dr. Love

Tsinitsismis ng dating amo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagngingitngit po ngayon ang kalooban ko sa dati kong amo, matapos niya akong itsismis at ipagkalat na ninakawan ko raw sila kung kaya nila ako pinalayas sa kanilang bahay.

Binitiwan ako noon ni Tiya Rosy dahil hindi ko na kayang mag-stay in mula nang makapag-asawa ako at magkaanak. Tumatanggap na lang po ako ng labada at plantsahin dalawang beses sa isang linggo para makatulong sa aking asawa. Gusto ko rin po mapaglaanan ng sapat na panahon ang aking dalawang anak.

Minsan akong tinawag ni Tiya Rosy para ipag­laba sila pero sa mas mababang saahod. Dahil may pinagsamahan naman kami pumayag po ako. Kahit na hindi maganda ang trato sa akin ng kanyang mga anak.

Pero dumating po sa punto, na nakiki­pagsabayan na ang kanyang mga anak sa pakikipaki sa pamamalengke at pag-aalaga ng kanilang anak. Hindi ko na po magagawa ‘yun lalo pa’t nangangamuhan na ako sa iba.

Ako pa ang tinatawag ni Tiya Rosy para samahan ang kanyang manugang na manga­nganak na gayon nasa bahay naman pala ang kanyang anak na asawa nito. Hindi ko rin po siya napagbigyan noon dahil wala pa ang amo ko at hindi ko maiiwanan ang bahay kung wala pa sila.

Mula noon ay sinisimangutan na ako ni Tiya Rosy at ng kanyang manugang, ang masaklap pa ay sinisiraan nila ako.

Sa sama ng loob nakakaisip po ako na maghanap ng albularyo para ipakulam sila. Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat po at More power to you.

Gumagalang,

 Auring

Dear Auring,

Huwag kang magtanim ng masama at tularan sila. Ibaling mo ang iyong atensiyon sa ibang bagay. Ang katulad nila ay huwag mong pag-aksayahan ng panahon dahil wala itong maidudulot na mabuti sa iyo. Sapat na maayos ang kalagayan mo at hindi naniwala ang mga amo sa tsismis na ipinagkakalat nila.

DR. LOVE

 

vuukle comment

AKO

AURING

BINITIWAN

DAHIL

DEAR AURING

DR. LOVE

GUMAGALANG

TIYA ROSY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with