^

Dr. Love

Ideal person ang hanap

-
Dear Dr. Love,

God bless you!

Nahihirapan ako sa situation ko dahil sa hindi ko alam kung talagang may tiwala sa akin si Mr. Cancer. Ipinaparamdam ko na nga sa kanya at ipinapakita ko na I’ll always love him for the rest of my life. Hindi na nga ako nagpapaligaw dahil sa kanya. Siguro ay nadala sa sulsol ng mga kaibigan niya. Sinasabi ko naman sa kanya na kung saan ako pupunta. Pero tamang hinala pa rin sa akin. alam naman niya na siya lang ang mahal ko at wala nang iba. Kung tutuusin nga, ako dapat ang maghinala sa kanya dahil sa nang umuwi siya ng province ay sinabi niya sa akin na mayroon siyang girlfriend na matagal na niyang hindi nakikita. Pero dahil sa may tiwala ako sa kanya, hindi ko na siya tinanong tungkol doon. Minsan ay nagseselos din ako dahil yung mga naging girlfriend niya ay wala ako sa kalahati. Dr. Love, napakatalino niyang tao at napakabuti. Higit sa lahat caring at sweet siya. Sana ay siya na ang ibigay sa akin ng nasa Itaas. Ewan ko nga ba, Dr. Love. Kapag nagmahal pala ang isang tao, kahit anong sabihin ay wala kang pakialam. Puro pagsubok ang dumating sa relationship namin. Pero hanggang ngayon, kami pa rin.

Sana ay mabasa niya ang message ko sa kanya. "Love, I want you to know that I’m still here for you, to support and hear whatever problems you may encounter. I realy, really Love you!"

Dr. Love, ano po ba ang dapat kong gawin para mapatunayan ko sa kanya na mahal ko siya?

Nowforever,

Cellz




Dear Cellz,

Mahirap maghanap ng ideal person. Tama ang sabi mo na walang perpekto sa mundong ito. Kahit sinong tao ay may kapintasan at mabuting katangian.

When one falls in love, dapat niyang tanggapin hindi lamang yaong mabubuti kundi pati yaong kapintasan ng isang tao.

Ganyan ang pag-ibig. Sabi nga ng Biblia, ang perpektong pag-ibig ay nagtatakip sa maraming kapintasan ng taong minamahal.

Manatili ka lang faithful sa kanya kahit pa sinasabi mong kulang siya ng pagtitiwala sa iyo. Darating din ang tamang panahon na mapapatunayan niya sa sarili niyang ikaw ay tapat sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BIBLIA

DEAR CELLZ

DR. LOVE

KANYA

LOVE

MR. CANCER

PERO

SANA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with