^

Dr. Love

Na-miss ko rin siya

-
Dear Dr. Love,

Hello! May the blessings of our Almigthy God be with you and all PSN staff. I had a bestfriend just call him J.R known him since childhood because he is our neighbor. J.R is five years older than me, kaya parang kuya na rin ang turing ko sa kanya. Palagi kaming magkasama sa mga "gimiks". Then one day, he told me that he loves me more than just friend.

Nagalit ako kasi ang feeling parang niloko niya ako. He took advantage of our closeness, being my bestfriend. Mula noon umiwas na ako sa kanya at hindi na rin siya pumupunta sa aming bahay.

Then last year, he went to New York, USA kasi mayroon na siyang kapatid lalaki doon.

Hanggang ngayon, wala na kaming komunikasyon sa isa’t isa saka ko naman naramdaman na miss ko rin siya dahil siguro sa friendship namin. I want to apologize to him sa ginawa ko.

Dr. Love, i hope you can advice me on what to do. I also hope to find a bestfriend through your column. And if they wish to write me, please give them my real name and address and i promise to answer thier letters.

May God bless you again and more power.

Respectfully yours,

Miss L.A.


Dear Miss L.A.

Natural lang naman na maramdaman mo ang pagkalungkot sa pagkawala ng isang matalik na kaibigan na siyang hingahan ng lahat na problema mo maliit man o malaki lalo na ngayong libo-libo na ang milya na ang layo sa iyo.

Madali ka namang makahingi ng paumanhin sa kanya at maaaring ikatuwa pa nga niya ang pagtanggap ng liham niya sa iyo.

Mauunawaan ka niya sa ginawa mo dahil nga itinuring mo siyang parang kapatid subalit iyon pala ay may iba siyang layunin para sa iyo. Pero hindi mo rin namang puwedeng ikagalit ito sa kanya dahil nagsasabi lang siya ng kanyang damdamin.

Alamin mo mula sa kanyang mga kamag-anak ang kanyang address para masulatan mo siya at makahingi ng paumanhin. Ang nasa abroad ay natutuwang makatanggap ng balita mula sa Pilipinas. Malay mo, naghihintay lang siya na ikaw ang gumawa ng unang hakbang para kayo magkabati. Hindi siguro niya ito ipakakahulugan na hinahabol mo na siya porke nasa U.S siya.

Sa mga gustong sumulat kay Miss L.A., tumawag lamang sa tanggapan ng PSN at hingin ang kangyang address.

Dr. Love

vuukle comment

ALAMIN

ALMIGTHY GOD

DEAR MISS L

DR. LOVE

MAY GOD

MISS L

NEW YORK

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with