^

PSN Showbiz

Kiss and tell pa John Lloyd dawit sa kanegahan ni Ellen

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Pia nabawasan ang ningning!; Lalaking pinakasalan ni Ehra Madrigal, sobrang yaman!

SEEN: Ayaw ng fans ni John Lloyd Cruz na nali-link ito kay Ellen Adarna dahil madadamay siya sa negative image ng dalaga na pinagbibintangan na kiss-and-tell.

SCENE: Sina William Martinez at Julio Diaz na mga nagbibida noon sa pelikula pero tumamlay ang acting career dahil nagpabaya ang ilan sa mga aktor na tinutulungan ni Coco Martin sa pamamagitan ng guesting nila sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

SEEN: Nabawasan ang ningning ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach buhat nang isalin niya ang korona kay Iris Mittenaere. Kagaya na rin si Pia ng ibang mga Miss Universe winner na nabawasan ang interes ng mga tao nang matapos ang reign nila.

SCENE: Ang balita na hiwalay na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix dahil mas maaga na nag-mature ang dalaga kesa sa ka-loveteam niya.

SEEN: May kilig ang mga eksena nina Ruru Madrid at Arra San Agustin sa Encantadia kaya may dapat ika-insecure si Gabbi Garcia, ang ex-girlfriend ni Ruru.

SCENE: Pasok sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime ang crowd favorites na sina Froilan Canlas at Rachel Gabreza.

SEEN: Can afford si Ehra Madrigal na huminto sa showbiz dahil good provider si Tom Yeung, ang lalake na pinakasalan niya noong March  3 sa Boracay island.

Marami ang nagulat sa pagpapakasal ni Ehra dahil sa maling akala na may relasyon pa rin sila ng kanyang longtime boyfriend, ang musician na si Myke Solomon.

SCENE: Mapapanood ngayong 10:00am sa GMA 7 ang replay ng pilot week ng Destined to be Yours, ang primetime teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza.

 

 

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with