^

Metro

Rider hulog sa fly over, lasog

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Lasog ang isang rider nang aksidenteng mahulog mula sa isang flyover ang minamaneho nitong motorsiklo,  kahapon ng umaga sa Makati City.

Nasawi habang ginagamot sa Saint Luke’s Hospital, Bonifacio Global City (BGC), Taguig City ang biktimang si Ronel P. Badong, ng Pier 8, Vitas, Tondo, Maynila sanhi ng matinding pinasala sa ulo at katawan.

Sa ulat na natanggap ni Police Chief Inspector Ferdie Satorre, hepe ng Makati City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente alas-10:45 kahapon ng umaga sa kahabaan ng Buendia Avenue Flyover, Northbound-EDSA ng nasabing lungsod.

Nabatid, na minamaneho ng biktima ang kanyang kulay orange na KTM motorcycle, na walang plaka at habang binabagtas nito ang naturang­ lugar dahil sa mabilis ang pagpapatakbo ay hindi nito nakontrol ang preno. Dahilan ito upang mahulog ang motorsiklo kasama ang biktima mula sa naturang flyover.

Kaagad naman itong dinala  ng rescue team sa naturang ospital pero hindi na rin naisalba ang buhay.

vuukle comment

RONEL P. BADONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with