^

Metro

Hapones dedo sa aksidente sa Commonwealth

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang Japanese national na hinihinalang nadisgrasya­ ha­bang nagmamaneho ng kan­yang motorsiklo ang nadis­kubreng walang buhay habang nakahandusay sa kalye sa kahabaan ng Commonwealth Avenue Quezon City,  kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ni SPO1 Marvin Masangkay, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nakilala ang biktima na si Toshiya Ishigaki, 44, administering manager ng IBM at residente sa North Flaire Tower, Boni Avenue, Manda­lu­yong City.

Sa imbestigasyon, natagpuan ang biktima sa may kahabaan ng Commonwealth Ave­nue, malapit sa kanto ng Villa  Beatriz St., Brgy. Old Balara QC, dakong alas-11:30 ng gabi.

Sinasabing isang passerby ang nakapuna sa biktima habang nakahandusay sa nasabing lugar na walang malay at agad na ipinagbigay alam sa barangay.

Agad namang pinuntahan kung saan nadiskubre ang walang buhay na katawan ng biktima habang nakahilata sa kalye at duguan sa tabi ng isang Fino Yamaha motorcycle na walang plaka.

Lumalabas sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa katawan ng biktima ay nagtamo ito ng sugat sa ulo at pagkabali sa kanang braso.

Nakolekta rin sa lugar ang nasabing motorsiklo, helmet, isang sling bag na may lamang Lenovo laptop at tablet, wallet na may lamang P170.00, personal na gamit at mga identi­fication cards.

Sa kasalukyan, inaasikaso na ng CIDU ang mga doku­mento upang ipabatid ang insi­dente sa Japanesse embassy habang ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang naka­lagak sa Light Funeral Homes para sa awtopsiya.

vuukle comment

MARVIN MASANGKAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with