^

PSN Opinyon

Kapag Russia ay ‘protektor’ natin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nu’ng 1994 sa Budapest Memorandum sumumpa ang Russia na itataguyod ang teritoryo ng Ukraine, kapalit ng pagwasak ng huli ng sariling nuclear arsenal. Makalipas ang 20 taon inagaw ng Russia ang mayamang lupaing Crimea ng Ukraine.

Ngayon iniimbita ni President Rodrigo Duterte ang Russia na maging “protektor” ng Pilipinas. Ano kaya ang kahihinatnan ng mga Pilipino sa gan’ung kaayusan?

Nitong mga nakaraang buwan lumalapit si Duterte sa Russia para sa ayudang militar. Nu’ng Enero ganado niyang nilibot ang bumisitang Russian anti-submarine vessel sa Maynila. “Binabati natin ang mga kaibigang Ruso,” aniya. “Miski kelan niyo nais dumaong dito, para magpahinga, magkarga ng kagamitan, o bilang ka-alyado na magpo-protekta.” Tuwang-tuwang nanonood ang Russian ambassador, na kaaalok pa lang na magbenta ng armas sa Pilipinas.

Ikinababahala ng mga eksperto sa foreign policy ang pag­lipat ni Duterte ng alyansang militar sa Russia mula sa Ame­rica. Lumalabas sa mga surveys ang labis na pagdududa ng mga Pilipino sa mga Ruso.

Pinirmahan ang Budapest Memorandum nu’ng 1994 ng Russia, United States, at Britain nang itakwil ng Ukraine ang mga sandatang nukleyar. Nangako ang tatlong superpowers na kikilalanin ang boundaries ng Ukraine at hindi gagamit ng dahas laban dito. Pero nu’ng 2014 sinakop ng Russia ang Crimean region ng Ukraine sa palusot na kailangan iligtas ang mga Rusong naninirahan doon.

Nagbabala si ex-President Fidel Ramos na masasayang lang ang pera sa pagbili ng armas sa Russia dahil hindi ito akma sa karamihang kagamitang militar ng Pilipinas na gawang America. Ihinambing din ng mga eksperto ang buy-one-take-one na alok ng Russia ng baril sa nagbebenta ng murang-murang printer pero mahal naman ang tinta; mamumulubi umano ang Pilipinas sa halaga ng bala ng AK-47 rifles.

vuukle comment

RUSSIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with