^

Police Metro

Mamasapano case buksan muli -Digong

Rudy Andal - Pang-masa
Mamasapano case buksan muli -Digong
Ito ang isa sa laman ng mensahe ng Pangulo sa kaanak at biyuda ng SAF 44 na nakipag-dayalogo sa Pangulo sa Malacañang. Bagama’t hindi pina­ngalan ni Duterte si Aquino ay ito ang kanyang pinatutungkulan nang sabihin nitong ayaw niyang awayin o istorbohin ang pribadong buhay nito, su­balit maraming katanu­ngan na hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng sagot lalo mula sa mga biyuda at naulila ng SAF 44.
File photo

MANILA, Philippines -  Hiniling ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na buksan muli ang imbestigasyon  sa malagim na sinapit ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF 44) sa Mamasapano massacre noong Enero 25, 2015 sa panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ang isa sa laman ng mensahe ng Pangulo sa kaanak at biyuda ng SAF 44 na nakipag-dayalogo sa Pangulo sa Malacañang.

Bagama’t hindi pina­ngalan ni Duterte si Aquino ay ito ang kanyang pinatutungkulan nang sabihin nitong ayaw niyang awayin o istorbohin ang  pribadong buhay nito, su­balit maraming katanu­ngan na hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng sagot lalo mula sa mga biyuda at naulila ng SAF 44.

Aniya, sa kabila ng maraming imbestigasyon ng Senado, Kamara, Office of the President ay walang nangyari at walang natukoy na may kasalanan sa madugong Mamasapano incident.

Idinagdag pa ni Duterte, kung inilabas lamang ng Aquino go­vernment ang katotohanan sa nangyari sa Mamasapano incident ay walang magiging katanungan ngayon ang mga naulila ng SAF 44 saka ang pakikialam ni dating Presidential Peace Adviser Teresita Deles na nagbulong kay P-Noy na huwag magpadala ng reinforcement dahil masisira ang peace talks sa MILF.

Unang tanong ni Pa­ngulong Duterte kay Aquino ay bakit ang SAF na pang-urban  terrorism ang specialty pero pinadala sa Mamasapano para hulihin si Marwan saka bakit walang koordinasyon sa military na mayroong mga kagamitan tulad ng mga Army brigade na malapit lamang sa lugar.

Kinuwestyon din ni Duterte kung bakit itinago na ang operation na mayroong koneksyon ang CIA dahil naroroon ang chopper na nagdala ng pinutol na daliri ni Marwan para sa DNA test sa US.

Tinanong din ni Digong kung sino ang nakinabang sa $US 5-M reward para sa pagkamatay ng international terrorist na si Marwan.

Kinuwestyon din ni Duterte ang pagpayag ni Aquino na si Purisima kahit suspendido ay siya pa rin ang magmaniobra sa operasyon kung saan ay ipinahamak ang mga SAF 44 sa isang suicide mission para lamang sa $5-M reward ni Marwan.

Sinabi pa ni Duterte, sangkatutak ang kasalanan ni Purisima hindi lamang sa pulisya kundi sa taumbayan dahil sa corruption.

Inatasan naman ni Duterte si PNP chief dela Rosa na pag-aralan ang record at irekomenda ang pagkakaloob ng medal of valor sa lahat ng SAF 44 na ngayong araw ang ikalawang anibersaryo ng Mamasapano massacre.

vuukle comment

PA­NGULONG RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with