^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Padalas nang padalas ang aberya ng MRT

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Padalas nang padalas ang aberya ng MRT

HANGGANG kailan ang kalbaryo ng mga pasahero ng Metro Rail Transit? Mahirap itong sagutin. Ang Secretary ng Department of Transportation (DOTr) ang nararapat sumagot sa katanungan.

Halos araw-araw na ang aberya ng MRT. Noong nakaraang Miyerkules, may nadiskubreng sira sa riles ng MRT dakong alas kuwatro ng umaga kaya naatrasado na naman ang biyahe. Sa halip na 4:40 ng umaga, naging 5:30 kaya ang mga gumising nang maaga para makarating sa kanilang trabaho at iba pang appointment ay nawalan ng silbi. Nasayang ang paggising nila nang maaga.

Nadiskubre ang sira sa riles sa North Ave­nue Station kaya inabisuhan ang commuters na magtungo sa sunod na Quezon Avenue Station. Maraming pasahero ang halos mapamura sa galit sapagkat kailangan nilang bumaba mula sa North Ave. Station at sumakay para magtungo sa Quezon Avenue. Ang problema, siksikan sa mga bus sa EDSA. Bukod pa roon, sobrang trapik na mula North EDSA Station patungong Quezon Avenue. Walang nagawa ang train riders kundi magtungo sa sunod na station.

Bago ang aberya noong Miyerkules, nagka­aberya na ang MRT noong Martes dakong 1:54 ng hapon nang magkaproblema sa power supply na na-detect ng signaling system. Apektado ang North Avenue Station hanggang Ortigas Station. Dakong alas tres ng hapon, nagkaproblema muli at apektado naman ang Taft Station patungong Shaw Blvd. Station. Problema umano sa komunikasyon ang dahilan.

Halos araw-araw o sunud-sunod na ang aberya ng MRT habang papalapit ang Christmas season. Kalbaryo ang dinaranas ng commuters at walang magawang bagong solusyon ang transportation department. Sabi ni DOTr Sec. Arthur Tugade nang maupo noong Hunyo, kapag wala raw nagawang solusyon sa MRT sa traffic problem sa Metro Manila, magbibitiw siya sa puwesto.

Ngayong sunud-sunod ang aberya ng MRT at walang pagbabago sa traffic sa EDSA, gagawin kaya ni Tugade ang sinabi. Baka naman bulaklak lang ng dila niya ang nasabi. Kung hindi niya kaya, bakit pa magtatagal kung mayroon namang iba na mas may nalalaman.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with