^

Pang Movies

Mocha vindicated, account nang nagsumbong sa FB ipinasara!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mocha vindicated, account nang nagsumbong sa FB ipinasara!
Mocha Uson

Vindicated si Mocha Uson dahil ang Facebook account ng tao na inirereklamo ang kanyang Facebook blog ang sinuspinde ng Facebook management.

Hindi ko na babanggitin ang name ng mhin na nanguna sa panawagan na ipasara ang Facebook blog ni Mocha dahil sa paratang na nagkakalat ito ng mga maling impormasyon tungkol sa mga isyu sa Pilipinas.

Ang ending, ang Facebook account ng nagrereklamo ang sinuspinde ng Face­book. Ang ibig sabihin, mas marami ang supporters ni Mocha ang nagreklamo sa Facebook management laban sa mhin.

Milyun-milyon ang followers ng Face­book blog ni Mocha na nakakuha ng simpatiya mula sa masa na avid supporter ng pa­ngulo na sinuportahan niya noong nakaraang elek­syon, si President Rodrigo Duterte.

Pekeng FB accounts hinihintay suspendihin

Na-insecure ako sa nangyari sa mhin na umaaway kay Mocha dahil isinara ng Facebook ang kanyang account.

Kailan naman kaya isu-suspend ng Facebook ang mga fake account na gumagamit sa pangalan at litrato ko?

Dalawa ang fake na Lolit Solis account sa Facebook at may mga nagreklamo na pero walang ginagawang aksyon ang Facebook.

Noon ko pa paulit-ulit na sinasabi sa mga column ko sa PSN at PM na wala akong Facebook account pero dedma ang Facebook.

Kailangan ko pa yata na hingin ang tulong at suporta ng followers ni Mocha para suspendihin ng Facebook ang mga pekeng Lolit Solis account.

Alang-alang sa $10-K dating Miss Universe runner-up Janine Tugonon hubo’t hubad sa calendar pictorial!

Kawawa naman ang ex-beauty queen na si Janine Tugonon na nagmistulang porn star sa nude picture niya na kumalat sa Internet at pinagpipistahan.

Kung matatandaan ninyo, ibinalita ko rito sa PM ang pagkakapili kay Janine bilang isa sa mga nude model ng NU Muses.

Hindi ako bilib sa pakulo ng NU Mu­ses dahil pinaghuhubad nila ang mga mo­del para sa nude calen­dar na kanilang ilalabas.

Hindi pa nga lumalabas ang kalendaryo, nauna nang lumabas ang hubo’t hubad na litrato ni Janine na naturingan pa naman na first runner-up sa Miss Universe noong 2012.

Imposibleng hindi maeskandalo ang Bb. Pilipinas Charities, Inc. kapag nakita nila ang dating beauty queen na nag-represent sa Pilipinas noong 2012 sa Miss Universe.

Kunsabagay, wala nang pakialam kay Janine ang organizer ng Bb. Pilipinas dahil matagal nang natapos ang kanyang panunungkulan pero isyu pa rin ang paghuhubad niya para sa isang kalendaryo sa Amerika.

Kawawa ang hitsura ni Janine sa picture na nakita ko, kahit sabihin pa na US$10,000 ang kanyang take home pay para sa pagbubuyangyang niya ng katawan.

Sarah gustong gawan ng pelikula ni Direk Chris

Congrats sa aking favorite singer-actress na si Sarah Geronimo dahil nominated pala siya sa Best Southeast Asia Act category ng MTV Europe Music Awards.

Nakakabilib si Sarah dahil kahit low profile ito sa showbiz, humahakot pa rin siya ng mga nomination at parangal sa local at international scene.

Excited na nga ang kanyang fans na muling mapanood si Sarah sa pelikula. Actually, ang maka­trabaho si Sarah ang isa sa mga pangarap ni Chris Martinez, ang direktor ng Working Beks ng Viva Films.

Naniniwala si Chris na marami pang puwedeng ipakita si Sarah bilang mahusay na aktres kaya sana nga, matupad ang dream niya na makasama sa isang movie project ang aking favorite singer/actress.

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with