3 kotong cops ng QC, tinanggal sa serbisyo
MANILA, Philippines - Dahil sa napatunayang aktong nangongotong ang dalawang pulis-QC sa isang motorista ay sinibak na ito sa serbisyo ni QC Police Chief Guillermo Lorenzo Eleazar maging kanilang supervisor sa usaping command responsibility.
Ang mga sinibak na pulis ay kinilalang sina SPO2 Raul Nadera at PO3 Anthony Tecson na kakasuhan ng robbery extortion at dagdag na kasong illegal possession of firearms and ammunition na isasampa dahil walang lisensiya ang nakuhang baril dito.
Sibak din sa serbisyo si SPO4 Redentor dela Cruz Fajardo, hepe ng Motorcycle Unit ng District Traffic Enforcement Unit na superior ng dalawang kotong cops.
Ang 9 na tauhan ng QC Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) na kasama ng dalawang kotong cops ay nai turn over na sa kanilang superior upang sila mismo ang magsagawa ng imbestigasyon laban sa kanilang tauhan.
- Latest