^

Bansa

Gabriela dismayado kay Alvarez

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dismayado ang ilang kababaihang kongresista dahil sa mistulang pagbabandera ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mayroon siyang girlfriend.

Para kay Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus, hindi dapat lumikha si Alvarez sa pagdamay sa iba pang nasa legal profession dahil parang sinasabi nito na maari rin ma-disbar ang iba pang abogado dahil sa extra marital affair.

Dahil dito kaya naba­bahala ang kongresista sa pahiwatig ni Speaker na pangkaraniwan at katanggap-tanggap ang pagkakaroon ng extra-marital affairs kaya lumalabas na ang machismo dito na hindi nababagay para sa isang public servant lalo na at lider pa siya ng Kamara.

Nanawagan naman si de Jesus sa publiko na tumutok na lamang ang publiko sa political at economic na ginagawa sa Mababang Kapulungan sa halip na sa away sa pagitan ni Alvarez at Rep. Floreindo.

Sinegundahan naman ito ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat at nagsabing dapat ay maging huwaran ang isang lider.

Iginiit ni Baguilat na maaaring personal na isyu ito ni Alvarez subalit hindi dapat naaapektuhan ng pakikipagrelasyon ang kanyang tungkulin.

Idinagdag pa ng mam­babatas na dahil sa pag-amin ng Speaker sa kanyang infidelity ay dapat dumistansya na ito sa mga debate tungkol sa impeachment dahil ito ay trust issue.

vuukle comment

PANTALEON ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with