^

Metro

Pahinante, tinaniman ng bala sa ulo

Doris­ Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang pahinante na sinasabing lider ng isang gang na tinaniman ng bala sa ulo at nakagapos pa ang kamay sa likod ang natagpuang patay,  kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Batay sa report, ang biktimang si Renato Puro na uma­noy lider ng ‘Puro Gang’ at ki­lala rin sa  alyas Mata, ng Road 10 Riverside, Vitas, Tondo ay itinapon ng sakay ng motorsiklo sa Brgy. 101, Zone 8 dakong alas-11 kagabi.

Labis naman ang hinagpis ng live -in partner ng biktima na si Mary Ann De Luna, 21 sa nangyari sa asawa kung saan dalawang araw na itong nawa­wala bago natagpuang patay.

Ayon kay Mary Ann, hindi aniya nasasangkot sa iligal na droga ang biktima at wala rin itong alam na nakaalitan.

Gayunman, may nakuhang isang maliit na plastic tube, kulay pulang transparent plastic sachet ng shabu ang mga awtoridad sa bulsa ng biktima.

Sinasabi ring responsable sa iligal na aktibidad ang biktima at may sarili itong gang.

Hinala naman ng pulisya,  posibleng niresbakan ito ng ka­samahan sa grupo at saka iti­numba. Patuloy naman ang im­bes­tigasyon ng pulisya sa kri­men.

vuukle comment

RENATO PURO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with