^

Punto Mo

EDITORYAL - Malilipol din ang Abu Sayyaf

LIFE’S ESSENCE - Pang-masa
EDITORYAL - Malilipol din ang Abu Sayyaf

ANIM na buwan na lang ang itatagal ng mga bandidong Abu Sayyaf. Ito ang ipinahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana noong nakaraang linggo. Ayon kay Lorenzana, kapag nalipol ang Sayyaf, matitigil na ang kidnapping at pambobomba sa Mindanao.

Naglunsad ng opensiba ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sayyaf noong Hunyo 2016 at marami sa mga bandido ang napatay. Hanggang ngayon, walang puknat ang pagsalakay ng mga sundalo sa kuta ng mga bandido. Ayon kay President Rodrigo Duterte na nag-utos sa opensiba, huwag nang tantanan ang Sayyaf hanggang maubos ang mga ito.

Dalawang Canadian hostages ang pinugutan ng ulo ng Sayyaf noong nakaraang taon. Hindi nakapagbigay ng ransom ang dalawang Canadians. Pinugutan din ang isang binatilyo nang hindi makapagbigay ng ransom ang pamilya.

Malaking pera na ang kinita ng Abu Sayyaf sa pangingidnap. Ayon sa report, umabot na sa P353 milyon ang kinita ng mga ito sa kidnapping noong nakaraang taon. Pawang sa mga dayuhang biktima nanggaling ang ransom. Sa kabila na mahigpit ang gobyerno sa no ransom policy, hindi naman mapigilan ang kaanak ng mga biktima sa pagbibigay ng ransom sapagkat papatayin ang mga ito.

Ang malaking kinikita sa kidnapping ang dahilan kaya nakakabili nang matataas na kalibre ng baril ang Abu Sayyaf. Ayon sa report, sa kinitang P353 milyon, nakabili ang mga bandido ng 438 baril at nakapagsasagawa pa ng terrorists trainings.

Kung lilipulin na ang Abu Sayyaf, dapat na ring tapusin ang pamamayagpag ng Maute Group. Ang grupong ito ang nagsasagawa ng pambobomba sa maraming lugar sa Mindanao kabilang ang Davao City. Nakakakuha ng suporta ang Maute sa ISIS.

Huwag nang tantanan ang dalawang grupong ito. Ibuhos ang lakas sa kanila para tuluyan nang malipol at nang magkaroon ng katahimikan particular sa Mindanao.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with