^

Probinsiya

2 sundalo sa HPG chief’s slay, arestado

Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Dalawang intelligence officers ni 5th Army Division Commander Maj. Gen. Paul Atal ang inilagay sa kanyang kustodiya matapos matukoy sa pagpatay sa hepe ng Mt. Province Highway Patrol Group sa bayan ng Bontoc noong Linggo.?

Ayon kay Mt. Province police director P/Senior Supt. Tellio Ngis-o na positibong natukoy ang mga suspek na sina Corporal Gerson Lumines, 28; at Sgt. Elvis Ganisi, 39, sa CCTV camera footage na nakuha sa isang establisimiyento nang mapatay si P/Chief Insp. Benjamin Challoy sa harapan ng kanyang bahay.?

Ang dalawang sundalo ay dinala na sa headquarters ng 5th Army Division sa bayan ng Gamu, Isabela habang ang ikatlong suspek na si Ges­ser Lumines, 26, sinasabing AWOL ay pinaghahanap pa.?

Lumalabas sa imbestigasyon na magkakasama sa inuman sa beerhouse ang mga sundalo nang magkrus ang landas ni Challoy na nagmula naman sa isang inuman sa kanyang opisina.?

Nag-ugat ang pagtatalo ng biktima at mga suspek nang kapwa sila nagsitahan sa mga dala nilang baril hanggang nauwi ito sa ratratan.

vuukle comment

PAUL ATAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with