^

Pang Movies

Aktres nalambutan sa actor na ka-loveteam!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Parang bantilawan ang umano’y love affair ng magsyota na marami rin naman ang nakaaalam na talagang mayroon silang something at very sweet silang tingnan. Pero lately, ay Hi and Hello na lang umaabot ang kanilang pag-uusap. Totoo kaya ito?

Bulung-bulungan daw kasi na mas malambot si actor kaysa kay actress, pero kung titingnan mo naman ay macho ang dating. Sayang talaga, kasi bagay na bagay sila.

Aktor hindi nakapagpigil, dinakot ang boobs ng character actress!

Tsismis pa rin ng isang Tsuffatid na sa isang eksena ng TV noon series ay napagtripan ng isang actor ang magandang boobs ng isang character actress. Nadakot daw ng malaking kamao ng actor ang kanang suso. Napakalaki kasi at sa laki ng kamao ng actor, kamado ang kamao sa dyoga ng babae. Napa-aray daw ang nasabing actress at siguro ay nasaktan dahil sa madiin na pagdakot ng aktor.

Ang ganda kaya ng aktres at ang malaki at matambok na dibdib ang isa sa mga asset niya. 

Naiinis sa shows ng GMA mas dumarami!

Noong una, kakaunti pa lang ang napapamura na televiewers sa mga serye ng GMA-7 tulad na lamang nitong Ika-6 Na Utos kung saan lead stars sina Sunshine Dizon at Ryza Cenon. Pero nadagdagan ito sa nakaraang episodes dahil na rin sa panlolokong ginawa ni Ryza kay Gabby Concepcion. Pineke kasi nito ang pagbubuntis para lang pakasalan siya ng karakter ni Gabby. Pero hindi natuloy ang kasal dahil sa pagpigil ni Odette Khan na sumugod sa simbahan.

Ang sarap daw sabunutan ni Ryza dahil sa kamalditahan nito.

Isa pa sa mga kinaiinisan ay si Mark Abaya ng seryeng Legally Blind na pilit sinasabing manyakis, rapist, at baliw. Talagang malala na ang pagnanasa nitong maangkin ulit ang pagkababae ni Grace (Janine Gutierrez). Nagbanta naman ang fans ni Janine na babayagan si Mark.

Mark laging kasama si Winwyn ‘pag bumibisita sa yumaong ina

Isa si AiAi delas Alas sa benefactor ng simbahan sa Golden City, Sta. Rosa, Laguna, ang Our Lady of the Most Holy Rosary na ongoing ang construction. Nang malaman ng Parish Priest na si Rev. Fr. Dode na soon to be married na ang komedyana sa dyowa nitong si Gerald Sibayan, hiling nitong makapasyal ang dalawa sa kanyang simbahan para mabigyan ng blessing. Ito’y bilang pasasalamat sa lahat ng tulong ni AiAi para sa simbahan. Feel na feel daw ni Fr. Dode na magi­ging successful si Ms. AiAi sa piling ng magiging mister nito.

Wish din makita ni Fr. Dode sina Mark Herras, Alden Richards, Pop singers na sina Renzo, Vanessa, at ang Magno twins at maging ang iba pang mga taga-Golden City na matagumpay na ang showbiz career.

Madalas pa ring umuwi si Mark sa bahay nila kasama ang girlfriend na si WinWyn Marquez para bisitahin ang namayapang ina. Alam mong naroon sila ‘pag maraming tao at nakikiusyoso sa isang convenience stor. Kulang na nga lang daw ay magsara sila sabi ng manager na si Sir Wally pag andun ang magka-relasyon.

vuukle comment

AKTRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with