^

Pang Movies

Vic maraming anak ang gusto kay Pauleen?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Siguro nga dahil sa matinding katuwaan naman ni Vic Sotto, bagama’t ang usapan daw nilang mag-asawa ay huwag munang sabihin ang tungkol doon, hindi niya napigilan ang sarili niya na mag-announce sa kanilang noontime show na magiging tatay na ulit siya.

Mahigit na dalawang buwan na pala ang ipinagbubuntis ni Pauleen Luna. Isipin mo nga naman, 63 years old na si Vic Sotto, magiging tatay pa. Lalabas na may anak siyang ‘di hamak na mas bata pa kaysa sa kanyang mga apo.

Pero iyang ganyang sitwasyon, nagiging probleman lang naman ng mahihirap. Para sa isang kagaya ni Vic na ayos na ang buhay, kahit retired na siya ay kaya naman niyang buhayin nang maayos ang kanyang anak. Ang tanungan nga lang ngayon, pagkatapos kaya niyan may kasunod pa?

Lotlot madalas nang kasama ang pamilya

Nakakatuwang makita ang isang picture na si Lotlot de Leon mismo ang naglabas, iyon ang ang kanilang reunion ng kanyang tunay na ama, kasama ang mga tunay niyang kapatid. May tatlo pa pala siyang kapatid na babae. Ang isa raw sa kanyang mga kapatid ang siyang gumawa ng paraan para sila magkasamasama at nabuo nga ang kanilang pamilya.

Hindi naman pala iyon ang kanilang first contact. Ang nangyari pala niyan, may nilalakad siyang mga papeles sa Olongapo nang subukan niyang i-trace na rin sa city hall ang kanyang tunay na mga magulang. Mayroon na rin naman kasi siyang idea tungkol sa mga iyon. Kung natatandaan ninyo, naging issue pa noong araw iyong sinabi ni Pilita Corrales sa isang show niya sa US kung saan nakilala niya ang tunay na ina ni Lotlot. Siyempre naging issue iyon sa mga fans ni Nora Aunor.

Pero si Lotlot, privately ay nagtatanong din pala, at nalaman nga niya na ang tunay niyang ama ay si Donald Dee Olson. Nagsimula ang kanilang communications, nagbakasyon pa pala rito ang isa niyang kapatid. Nakarating na rin dito ulit ang tatay niya, at ngayon nga ay nabuo ang kanilang pamilya sa isang reunion. Pero siyempre wala ang tunay na nanay niya na may ibang pamilya na rin sa US.

Pero sinasabi nga ni Lotlot, nakilala man niya ang mga tunay niyang magulang, hindi naman mababawasan ang pagtingin niya sa mga kinikilala niyang magulang, at sa mga kinikilala niyang kapatid. Alam naman natin na ang nag-iisang anak nina Nora at Boyet ay si Ian. Lahat naman noong ibang mga bata ay ampon ni Nora na ang pangalan ay isinunod na rin kay Boyet kahit na noong hiwalay na sila.

Nakakatuwa naman iyang ganyan, na kahit na may edad na rin siya nang masumpungan niya ang tunay niyang pamilya, at least nabuo pa rin sila. Hindi mo maikakailang magkakapatid nga sila, magkakamukha eh.

Pagiging box-office queen ni AiAi, ‘wa epek sa indie

Nanalo na naman ng isa pang acting award si AiAi delas Alas. Ang masakit nga lang, panay ang panalo niya ng award pero ayaw namang panoorin ng mga tao ang kanyang pelikula. Kung iisipin, hindi si AiAi ang ayaw ng mga tao. Box-office star siya. Ilang ulit pa nga siyang tinawag na Box Office Queen. Kaya ang maliwanag diyan iyong pelikulang kanyang ginawa ang talagang ayaw panoorin ng mga tao.

Ikakatuwiran mo ba ngayon na ang mga tao ay hindi marunong kumilatis ng isang magandang pelikula? Iyan ang katunayan ng sinasabi namin. Walang pag-asa sa Pilipinas ang mga pelikulang indie. Kung ipipilit nila ang indie, kalimutan na nilang may industriya ng pelikula sa bansa.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with