^

Probinsiya

Jueteng operation sa Cagayan, binuwag

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Walang puknat na binuwag ng pulisya sa kautusan ni Cagayan Valley police director P/Chief Supt. Eliseo Rasco ang mga bolahan ng jueteng sa nasabing lungsod at apat pang bayan sa ilalim ng Meridien Vista Gaming Corp. na pinapatakbo ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang kamakalawa. ?

Ayon kay Rasco, umaabot sa 60 kawani ni Ang ang inaresto sa Tuguegaro City, at sa mga bayan ng Enrile, Peñablanca, Lallo at sa bayan ng Lasam na hindi na sakop ng kanyang prankisang magpasugal na ipinagkaloob ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) sa bayan ng Sta. Ana.?

Nabatid na dahil sa pagyabong ng jueteng ay nasibak ang mga hepe na sina P/Supt. Virgilio Con Abillera Jr. ng Tuguegarao City; P/Chief Insp. Edgar Unista ng Lasam; at si P/Chief Insp. Engelbert Bunagan.?

Nasukol din ng mga pulis ang isang SUV na tumatakbo habang na nagbobola ng jueteng sa Brgy. Catayuoan, bayan ng Lasam matapos mangumpisal sa pulisya ang nadakip na tauhan ni Ang na si Edwin Articulo.?

Naunang isiniwalat ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na umabot na sa Isabela, Nueva Ecija, Pangasinan hanggang sa Bicol region ang operasyon ng jueteng ni Ang na nakarehistro sa CEZA bilang prangkisa ng larong Jai-alai.

vuukle comment

ELISEO RASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with