^

PSN Showbiz

Robin Hood ni Dingdong ibabalik!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nasagot na ang katanungan ng sumubaybay sa Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes kung bakit bitin ang ending ng action series nang magtapos ito. Ang ending ng series ay na-kidnap si Jaclyn Jose habang tumatakbo na nakasunod si Dingdong.

Kaya pala ganu’n ang ending ay dahil ibabalik ng GMA-7 ang Alyas Robin Hood at sa Book 2 ay muling mapapanood si Pepe (Dingdong) na practicing laywer na.

Umaasa ang viewers ng Alyas Robin Hood na sina Megan Young at Andrea Torres pa rin ang leading ladies dahil miss na raw nila ang mga ito, lalo na ang mga eksenang nagsu-swimsuit showdown sila.

Samantala, ni-repost ni Dingdong sa social media account niya ang announcement ng Flora Vida ni Marian Rivera na nagkaroon ng soft opening at nagsimula nang tumanggap ng orders kahapon hanggang April 28. Ang kumpirmadong orders ay mapi-pick up sa April 29 sa Quezon City office. Sa May 17, uli magre-resume na tumanggap ng orders ang Flora Vida.

Ang sosyal ‘di ba? Hindi basta-basta makaka-order ng flowers mula sa Flora Vida na sa nabasa naming announcement, “with proper care, the preserved flower arrangement can last for 2 years.

Saka, ang mode ng order ay via email at sa email din ang confirmation. Ang mode of payment ay thru bank deposit sa PNB, cash or pick-up.

Direk Dan na-excite sa magic element ng Luck…

Ikinuwento ni director Dan Villegas sa presscon ng Luck at First Sight na nagulat siya nang tawagan ito ni director Joyce Bernal para sabihing siya ang kanyang napili na magdirek ng nabanggit na pelikula. Ang Viva Films, N2 Productions ni Neil Arce, at si direk Joyce ang producers ng movie na showing na sa May 3.

Nabanggit din ni direk Dan na naka-lock na ang cast nang tawagan siya at wala siyang maireklamo kina Jericho Rosales, Bela Padilla, Cholo Barretto, Kim Molina, at iba pa.

Gumawa na ng rom-com at horror films si direk Dan. Ano ang kaibahan ng Luck at First Sight sa mga nauna niyang pelikula?

“Ang difference nito sa mga nagawa ko na, ‘yung dati, rooted on reality, kung ano ang nangyayari sa totoong buhay. Kaya na-excite ako rito kasi may magic element, ‘di realistic. Medyo hyper realistic siya, magical, fantastic. First time kong gumawa ng ganito, so minsan, ‘yung pagtimpla ng mga eksena, mapapaisip ka, exaggerated na ba ’to, baka masyadong mababaw o matigas. Rom-com siya, pero may magic realism element,” sabi ni direk Dan.

Jinri Park at Sheree nakipagsabayan sa mga Sang’gre

May bago na namang karakter na pumasok sa Encantadia . Sila’y sina Juvila at Odessa na pinabalik ni Avria (Eula Valdes) mula sa nakaraan para tulungan sila sa pakikipaglaban sa mga Sang’gre.

Gumaganap na Juvila ang Korean star na si Jinri Park at sa role ni Odessa ay si Sheree. Ang fighting skills agad ang tiningnan at inobserbahan ng viewers ng fantaserye, tiningnan nila kung kaya bang sabayan nina Jinri at Sheree sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez na mahusay na sa fight scene at action scene.

Ang sabi, papasok din ang karakter ni Cassandra na gawa ni Cassiopea (Solenn Heussaff) mula sa hibla ng buhok ni Mira (Mikee Quintos). Balitang isang talent ng Viva Artist Agency ang napili sa role na ayaw pang ipasulat, kaya hintayin na lang natin ang paglabas niya sa Encantadia.

Donna at Mikee may bonding uli kay Regine

Birthday ni Regine Velasquez sa April 22, na tumama sa araw ng Sabado at airing ng show niyang Full House Tonight. Double special ang birthday episode ng show ng Songbird dahil kabilang sa guests niya sina Donna Cruz at Mikee Cojuangco, mga nakasama niya sa Viva Films movie na Do Re Mi.

Naging reunion ng tatlo ang taping at umaasa ang viewers na kinanta nila ang theme song ng movie na I Can. Kita sa BTS at pictures na lumabas from the taping na naging masaya ang pagsasama-sama ng tatlo.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with