^

PM Sports

Ravena diniskaril ng Singapore Slingers

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ayaw pa ring tantanan ng kamalasan ang kontrobersyal na si Kiefer Ravena.

Diniskaril ng Singapore Slingers ang unang paglalaro ni Ravena sa Asean Basketball League (ABL) matapos gibain ang Alab Pilipinas, 77-67 sa Game One ng kanilang semifinal series sa OCBC Arena sa Singapore.

Tumapos si Ravena na may 16 points para sa Alab habang may 13 markers naman si import Jeff Hughes.

Nalagay sa kontrobersya ang dating kamador ng Ateneo Blue Eagles matapos kumalat ang kanyang mga hubad na larawan sa social media.

Isang estudyante ng Ateneo ang nahuli sa isang entrapment operation kamakailan at kinasuhan ni Ra-vena ng robbery at extortion dahil sa naturang isyu.

Para naman sa paglapit ng Slingers sa Finals berth ay bumandera sina imports Xavier Alexander at Justin Howard katuwang ang mga locals na sina Wong Wei Long at Delvin Goh.

Umiskor si Bobby Ray Parks ng 4 points para sa Alab ngunit hindi na nakabalik sa laro matapos magkaroon ng injury sa third quarter.

Pipilitin ng Alab na pahabain ang serye sa pa-mamagitan ng panalo sa Game Two sa Baliwag Star Arena sa Baliwag, Bulacan.

Kung magkakaroon ng Game Three ay gagawin ito sa Linggo.

Ang mananalo sa semis showdown ng Singapore at Alab ang sasagupa sa magwawagi sa serye ng Hong Kong Eastern Long Lions, ang elimination round topnotcher, at Saigon Heat para sa ABL Finals.

vuukle comment

KIEFER RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with