^

PM Sports

Santo Tomas nakalapit sa Final 4

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakasiguro ng playoff  para sa huling puwesto sa Final Four ang University of Santo Tomas matapos giyangin ang University of the Philippines 25-20, 25-21, 25-16 sa pamumuno nina EJ Laure at Ria Meneses sa women’s division ng UAAP Season 79 volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inilista ni Meneses ang walo sa 10 kill blocks ng Tigresses para sa 10 puntos, habang pumalo naman ng 15 puntos si Laure para iakyat sa 8-5 ang kanilang rekord.

Tumapos ng 8-points si Diana Carlos para sa UP na nasa isang three-way tie sa barahang 7-6 kasama ang Far Eastern University at National University.

Samantala, madaling tinalo ng Ateneo De Manila University ang University of the East, 25-18, 25-12, 25-10, upang mu-ling sumosyo sa unang puwesto sa standings.

Tumabla sa 11-2 na re-kord ang Ateneo sa karibal na De La Salle University na nasa No.1 spot na siya nilang pagtatalunan sa huling araw ng elimination round sa Linggo.

Nanguna sa pangalawang sunod na panalo ng Lady Eagles si Kat Tolentino na gumawa ng 12 puntos, habang nagtala naman ng 26 excellent sets ang kanilang kapitan na si Jia Morado.

Bagama’t hindi nag-laro ang isa sa kanilang key players na si Jhoanna Maraguinot, nagpakita naman ng magandang laro ang kanilang mga reserba na sina Ponggay Gaston, Jules Samonte, at Jamie Lavitoria upang punuan ang kawalan.

Itinanggi naman ng Ateneo coaching staff ang napabalitang injury umano na natamo ni Ma-raguinot kaya hindi ito pi-naglaro.

“Okay lang naman (kahit wala si Jho), kasi in training naman we don’t just stay with a solid core,” ayon kay Morado. “Parang, coach makes it a point to use everyone in training para kahit sino ipasok sa game today (makaka-deliver).”

Naglayag naman ng anim na puntos si Mary Anne Mendrez para sa UE na nalaglag sa 1-12 na kartada matapos malasap ang kanilang pang-anim na sunod na kabiguan.

Dahil sa pagkatalo, nahaharap sa isang do-or-die game ang Lady Maroons sa kanilang huling laro ng eliminations laban sa FEU, kung saan kapwa nakataya ang kanilang pag-asa na umabante sa Final Four.

Sa men’s division, nabigong makapasok sa semis ang UST (6-7) ma-tapos matalo sa Adamson (4-9), 25-23, 25-19, 25-17, habang kinubra naman ng NU (12-1) ang kanilang ika-11 sunod na panalo matapos ipalasap sa UE (1-12) ang pang-limang sunod nitong pagkatalo, 25-15, 25-15, 25-18. FMLumba

vuukle comment

EJ LAURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with