^

Metro

IT engineer, itinumba sa Makati

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang Chinese national na isang Information Technology (IT) engineer  nang barilin ito ng hindi pa ki-lalang mga suspect na sakay ng isang kotse sa Makati City, iniulat kahapon.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Makati Medical Center (MMC) ang biktimang si Andy Bai, 24, ng Brgy. Bel-Air ng naturang siyudad, nagtamo ito ng tama  ng bala sa tiyan buhat sa kalibre .45 baril.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya laban sa mga suspect para sa pagkakilanlan at ikadarakip ng mga ito.

Sa report na isinumite nina SPO1 Julio Valle Jr., at PO3 Ronaldo Villaranda, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) kay Police Sr. Supt. Dionisio Bartolome Jr., hepe ng Makati City Police, naganap ang insidente alas-3:10 ng madaling araw sa L.P. Leviste St., Salcedo Village, Brgy. Bel-Air ng naturang siyudad.

Ayon sa pahayag ng kaibigan ng biktima  sa pulisya na si Jason Tan, 25,  nagla-lakad sila sa naturang lugar patungong carpark nang biglang sumulpot ang mga suspect at ang isa rito ay armado ng kalibre .45.

Walang salitang binaril ang biktima ng isa  sa mga suspect at pagkatapos ay mabilis na tumakas ang mga ito sakay  ng isang kulay pu-ting sedan na may plakang NSO-950.

Mabilis na dinala ni Tan ang kaibigang si Bai sa natu-rang ospital, subalit hindi na rin naisalba ang buhay nito.

Inaalam na ng pulisya kung may CCTV camera sa naturang lugar at kung nahagip ang insidente para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspect.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.  

vuukle comment

INFORMATION TECHNOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with