^

PSN Opinyon

Mainit na klima sa panahon ni Duterte

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Ilang araw na lang mga suki at mararamdaman na natin ang pag-init ng kapaligiran dala ng tag-araw. Kaya marami na naman sa ating mga kababayan ang maiinit ang ulo, kayat ang payo ko sa lahat ng drayber, panatilihin po natin ang pagiging malamig ang ulo’t mapa­sensyoso sa kapwa motorista sa pagtahak ng matatrapik na kalsada upang makaiwas tayo sa gulo at sakuna. Iwasan din po nating maging pabaya sa ating mga taha­nan dahil ang apoy ay madaling sumiklab sa darang ng mainit na panahon, ugaliin po nating mag-tsek cylinder tank, octopus connection, iiwas sa mga bata ang pagla­laro ng puspuro o lighter at ilayo ang mga nakasinding kandila sa kurtina.  Huwag kalimutan ang kasabihang “Di baleng manakawan ng 10 beses kaysa masunugang minsan”.

Samantala, nagsisimula na rin ang init sa administrasyon ni President Digong, kasi nga nitong nagdaang linggo lamang ipinaaresto na si Sen. Liela de Lima sa pagkasangkot sa illegal drugs, ganundin si Ronnie Da­yan. Maging si dating Bureau of Correction chief Rafael Ragos ay sumuko na rin sa National Bureau of Investigation. Ikinatuwa ni Sec. Vitaliano Aguirre II ang ipina­labas na warrant of arrest kina De Lima, Dayan at Ragos ng Muntinlupa Regional Trail Court.

Ang masakit bago paman pumutok ang araw sa pag-aresto kay De Lima inam-bush naman si Lalaine Madrigal Martinez sa Makati City. Lumalabas na si Lalaine ay asawa ng drug convict Noel Martinez. Mukhang iki­nakawing din itong pagkapaslang kay Lalaine dahil kaanak ito ni dating Senador Jamby Madrigal na isinasangkot naman sa P100 milyong suhulan para baliktarin ang testimonya ng walong  convicted drugs inmate laban kay De Lima. Kaya’t maging si Ref. Marlyn Alonte-Naguiat ng Binan, Laguna ay kabilang sa umiinit ngayon ang puwet sa pagkakadamay niya sa suhulan blue.

Hindi kataka-taka na ang Marso ang pinakamainit na panahon ngayon hindi lamang sa tag-araw kundi dahil naglalabasan na ang mga kaso sa mga umuusig  sa pakikipaggiyera ni Digong sa droga. Weder-weder lang mga suki, kasi kung lumamig man ang selebrasyon ng EDSA People Power tangin si Digong lamang ang nakakaalam di ba? Bakit naman paguukulan ng panahon ni Digong ang makasaysayang People Power samantalang mas mahalaga ang pagtutok niya sa droga na sumisira sa mga Pilipino. Maging ang bangkay ni dating President Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani na nais hukayin ng mga militante, never na maisakatuparan dahil ang salita ni Digong ay siyang masusunod at hindi na basta mababali ninuman. Nakalimutan narin ang bilyon-bilyon na usapin sa Malampaya dahil ang pinag-uukulan ngayon ng pansin ay itong pag-okupa ng China sa Scarborough.

Kung sabagay naisakatuparan nga ang pagpatapon sa mga pulis na scalawag sa Basilan bagamat may alinlangan tayo na nagkaroon ng hokus-pokus sa orihinal na listahan ng mga Kotong Cops, natuloy pa rin ang paglipad ng C-130 na naglululan ng may 53 pulis scalawag. Hehehe! Ang tanong nasaan ang mahigit sa 300 pulis na binulyawan ni Digong sa Malacañang? Nag-resign na ba sila o napaganda pa ang puwesto sa Metro Manila. Paniwala ng mga kausap ko sa Customs “sala sa init sala sa lamig” at “weder-weder” lang ang tratuhan ngayon sa Duterte administration.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with