^

Metro

Seaman pinatay na, ninakawan pa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang seaman ang nasa-wi makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang gunman na tumangay din sa bag ng una na naglalaman ng halagang P85,000 na naganap sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO3 Alvin Qui­sumbing, may-hawak ng kaso, ang biktima ay nakila-lang si Hermiginio Elevade Jr., 42, ng Block 1, Lot 34, Lancaster Subd., Navarro St., Gen. Trias, Cavite.

Nagsasagawa na ngayon ng follow-up operations ang Quezon City Police District (QCPD) laban sa suspek na mabilis na tumakas makaraang isagawa ang krimen.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Quisumbing, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Cirillo St., kanto ng Sampaguita St., Brgy. Holy Spirit, dakong alas-8:40 ng gabi.

Bago ito, sakay umano ang biktima ng kanilang sasakyang Toyota Vios na minamaneho ng kanyang asawang si Yolanda Elevado patungo sa bahay ng mga magulang ng una sa Mapayapa Village 1, Brgy. Pasong Tamo nang pansamantalang huminto sila sa naturang lugar.

Dito ay lumabas ng ka­nilang sasakyan ang asawa ng biktima saka nagpunta sa likod ng kanilang kotse. Sa puntong ito, sumulpot ang hindi nakikilalang suspek saka nilapitan ang biktima, bago pinagbabaril.

Bago tuluyang tumakas, kinuha muna ng suspek ang bag sa sasakyan ng biktima na naglalaman ng nasabing salapi saka tumakas, patungo sa hindi mabatid na direksyon. Habang ang biktima ay agad namang isinugod sa East Avenue Medical Center ng barangay pero idineklara ring dead-on-arrival.

Narekober sa pinangya-rihan ng krimen ang dalawang piraso at isang tingga ng bala mula sa kalibre .9mm na baril.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

PATAY

SEAMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with