^

Metro

‘Mukha’ ng road rage suspect, inilabas na ng QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon
�Mukha� ng road rage suspect, inilabas na ng QCPD
Ayon sa ulat, ang suspek ay nasa pagitan ng edad na 30-35-anyos, maputi ang balat, may kahabaan ang buhok, at bilugan ang mga mata.

MANILA, Philippines -  Inilabas na ng Quezon City Police District (QCPD) ang artist sketch ng suspek na sakay ng Sports Utility Vehicle (SUV) na bumaril at nakapatay sa isang motorcycle rider dahil lang sa alitan sa kalsada sa lungsod noong nakaraang Sabado.

Ayon sa ulat, ang suspek ay nasa pagitan ng edad na 30-35-anyos, maputi ang balat, may kahabaan ang buhok, at bilugan ang mga mata.

Siya ang itinuturong bumaril at nakapatay sa rider na si Anthony Mendoza, 27, sa kanto ng Quezon Ave­nue at D. Tuazon Street, alas-4 noong nakaraang Sabado.

Kasunod nito, naglunsad na ang QCPD ng manhunt operation laban sa suspek na sakay ng Toyota Land Cruiser (AHA-3454) kung saan nakipag-ugnayan na sila sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO).

Nanawagan si QCPD Director P/Chief Supt. Guil-lermo Eleazar na isuko na lang ng driver ang kanyang sarili. Bukod pa rito nanawagan din si Eleazar sa sinumang nakakaalam sa naturang sasakyan, maging kaibigan, o kaki­lala na ipagbigay alam sa kanila ang kinaroroonan ng suspek upang makatulong sa agarang pagresolba sa kaso.

Kumpiyansa si Eleazar na maaresto na nila anumang oras ang suspek base sa mga impormasyong nakalap nila buhat dito.

Hindi naman matanggap ng kasintahan ng biktima ang ginawang pagpatay ng suspek dahil nakatakda na silang magpakasal ng biktima, na hindi na nga mangyayari dahil sa insidente.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with