^

Pang Movies

TV networks nawili sa self ‘regulation’

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mas maliwanag na sa amin ngayon kung ano ang gustong palabasin ni Mocha Uson. Una naniniwala siyang kailangan ang ipapalabas sa telebisyon ay iyong for general audience lamang.

Sinasabi nga niyang sa sine ay kontrolado ang manonood pero sa TV, kahit na sinong bata ay maaaring magbukas at manood kahit na walang bantay na magulang o kahit na sinong nakatatanda. May punto siya sa bagay na iyan.

Ngayon lang din namin naintindihan na may rule pala ang MTRCB (The Movie and Te­levision Review and Classification Board) na ang nire-review lamang ay iyong pilot episode, tapos hinahayaan na ang mga network mismo ang maglagay ng classification sa kanilang mga programa.

At sinasabi nga niya, diyan naaabuso ang SPG rating. Kaya pala walang magawa ang MTRCB kung di tumawag ng “gender sensitivity conference” pagkatapos ng mga reklamo.

Palagay namin ginagawa iyan dahil sa sinasabi ng mga network na kapos sila sa oras at kailangang maipalabas agad ang kanilang nai-tape na serye, hindi na nila mahihintay ang review ng board. Maliwanag naman na nanalo ang mga TV network diyan dahil pinayagan iyan ng board.

Iyan ang sinasabi ni Mocha na dapat mabago. Ibalik doon sa dati na hindi naipapalabas  mga iyan nang hindi nare-review muna ng MTRCB.

In fact, sa kanilang sign on spiels, sinasabi ng lahat ng networks na ang lahat ng pelikula at iba pang material nila ay ipinapa-review at pinahihintulutan ng MTRCB bago nila ipalabas. Hindi pala ganoon dahil parang nag-extend ang MTRCB ng kanilang powers sa mga networks.

“Self regulation”, iyan talaga ang pinaka-ideal, pero iyon ay kung talagang responsable ang mga network, pero masyadong liberal ang mga network at mga producer ngayon, kaya kung kami ang tatanungin ng personal naming opinion, naniniwala kami na hindi pa talaga tayo handa sa self regulation.

Isa pa, papaano nga ba nila babaguhin ang katotohanan na may mga tauhan ng network na nasa MTRCB din?

Kung sa bagay, may mga feature na naman ang telebisyon na may “parental lock”. Ibig sabihin maaaring ilagay iyon ng mga magulang para hindi mapanood ng kanilang mga anak ang mga channel na inaakala nilang naglalabas ng mga panooring hindi bagay sa mga bata.

Pinay na si Joyce Peñas Pilarsky parang Astrud ang boses

Noong isang gabi, habang nagkukuwentuhan kami sa isang coffee shop, natawag ang aming pansin sa pinatutugtog nilang music. Maganda ang selection. Easy listening. Tinanong namin kung anong album iyon, na akala namin ay si Astrud Gilberto dahil sa boses, pero may mga kantang hindi naman kinanta ni Astrud noon.

Nagulat kami nang sabihin na iyon ay recording ng isang Pilipino na ginawa sa Germany. Hindi kilala dito sa Pilipinas ang singer.

Ang pangalan niya ay Joyce Peñas Pilarsky. Nakaka-relax ang kanyang music at hindi namin naisip na Pinay pala siya. Sayang, hindi raw naman available ang kanyang CD dito sa Pilipinas. Available lamang iyon sa Germany at ginawa lamang para ang kikitain ay maibigay sa typhoon victims daw sa Pilipinas.

Nakarating naman kaya iyon sa mga tunay na typhoon victims, o baka naman nanatili sa bulsa ng mga “victims kahit na wala namang typhoon”?

Sana iyang mga ganyang Pinoy talents, mas mabigyan pa ng break.

 

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with