Kudeta laban kay Digong mabibigo-AFP
MANILA, Philippines - Mabibigo ang sinumang grupo ng mga destabilizers na maka-recruit sa hanay ng mga sundalo kaugnay ng niluluto umanong pagpapatalsik sa kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo na hindi makakakuha ng suporta sa militar ang sinumang grupo na posibleng magtangka ng anumang pagkilos para ibagsak ang kasalukuyang gobyerno.
“If at all na meron talagang destablization attempts or there will be crooks or individuals who will attempt to disrupt our democrratic process and our present government then your AFP will always be ready and prepared to frustrate any and all attempts to disrupt our present government set up”, pahayag ni Arevalo.
Binigyang diin ng opisyal na walang mare-recruit sa hanay ng mga sundalo ang mga grupong posibleng magtangka ng coup de etat dahilan sa natuto na ang mga ito sa aral ng kasaysayan.
“Wala silang mare-recruit, especially lalo na ngayon na ang ating Commander in Chief has manifested his care for the AFP”, ani Arevalo.
Ginawa ni Arevalo ang pagbubunyag kasunod naman ng pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar na may pinaplano umanong kudeta ang mga destabilizers ni Pangulong Rodrigo Duterte na balak ng mga itong simulan sa pagdiriwang ng ika-31 taong anibersaryo ng EDSA People’s Power Revolution.
Samantala, sinabi naman ni Arevalo na walang namo-monitor ang AFP na anumang pagtatangka ng destabilisasyon laban sa administrasyong Duterte.
“We may not have in possession of any information yet so far as the AFP is concerned,” ani Arevalo.
- Latest