^

PM Sports

Meralco may pag-asa

Russell Cadayona - Pang-masa
Meralco may pag-asa
Si Ed Daquioag ng Meralco laban kina Ronnie Matias at Jewel Ponferada ng Rain or Shine.
PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagpigil sa kanilang anim na sunod na kamalasan ay binuhay ng Meralco ang kanilang maliit na tsansa para sa quarterfinal round.

Nang magposte ang Bolts ng double-digit lead sa first quarter ay hindi na nila hinayaan ang Rain or Shine Elasto Painters na makadikit para tangayin ang 82-72 panalo sa 2017 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ito ang ikatlong panalo ng Meralco, nakahugot kay Cliff Hodge ng 17 points 16 rebounds at 4 blocks para sa kanilang 3-7 panalo-talo habang nalasap ng Rain or Shine ang ikalawang sunod nitong kabiguan.

“We’re keeping our hopes up but we still need to win,” sabi ni coach Norman Black. “We don’t have control of our destiny at this point, but more importantly i’m happy that we won.”

Sa tournament format ay walong koponan ang aabante sa quarterfinals kung saan hahawak ang No. 1 at No. 2 teams ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod.

Maglalaban naman ang No. 3 at No. 6 at ang No. 4 kontra sa No. 5 sa magkatulad na best-of-five quarterfinals series.

Umiskor si guard Jonathan Uyloan ng 11 points, tampok dito ang tatlong three-point shots, para ibigay sa Bolts ang 15-point lead, 35-20, kontra sa Elasto Painters sa opening period.

Matapos kunin ng Meralco ang 49-35 abante sa halftime ay nagtuwang naman sina Jeff Chan at Jay Washington para ilapit ang Rain or Shine sa 54-61 agwat sa huling 2:07 ng third quarter.

Muli namang nakalayo ang Bolts sa final canto nang magpakawala ng 13-0 atake para iposte ang 16-point advantage, 77-61, sa 5:46 minuto ng laro.

At hindi na ito nakayang habulin ng Elasto Painters.

MERALCO 82 - Newsome 19, Hodge 17,  Uyloan 14, Al-Hussaini 10, Chua 9, Hugnatan 4,  Dillinger 3, Daquioag 2, Grey 2, Amer 0.

Rain or Shine 72 - Yap 17, Ponferada 11, Chan 9, Cruz 9, Belga 7, Trollano 7, Washington 6, Tiu 4, Norwood 2, Ahanmisi 0, Matias 0.

Quarterscores: 35-20; 49-35; 68-56; 82-72.

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with