^

PSN Showbiz

Salpukan nina Vic at Vice-Coco ngayon na

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Salpukan nina Vic at Vice-Coco ngayon na
Vic at Vice

Alas-otso pa lamang ng umaga ngayong araw ng Miyerkules, November 30 ay bukas na ang SM Cinemas nationwide para i-accommodate ang mga manonood na dadagsa sa mga sinehan para panoorin ang magkahiwalay na pelikulang Enteng Kabisote 10 and the Abangers ni Vic Sotto at The Super Parental Guardians ng tandem nina Vice Ganda at Coco Martin.

Kapag may pelikula sina Vic at Vice Ganda ay dominado nila ang 70% ng box-office receipts ng Metro Manila Film Festival (MMFF). 

Sa December 14 naman nakatakdang ipalabas ang isa pang MMFF-reject na Mano Po 7: Chinoy na pinagbibidahan ni Richard Yap.
Nagdesisyon naman ang Cineko Productions na siyang producer ng pelikulang Mang Kepweng Returns na pinagbibidahan ni Vhong Navarro na gawin nilang opener for 2017 ang pelikula kaya ito’y naka-schedule for January 8, 2016 playdate.

Confident pareho sina Vic Sotto at Vice Ganda na tatangkilikin ng mga manonood ang kanilang respective movies.

Kasalang Kaye at Paul Jake hindi na intimate 

Bising-bisi na ngayon ang engaged Kapamilya couple na sina Paul Jake Castillo at Kaye Abad sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib na gaganapin sa hometown ng groom-to-be sa Cebu City.

Ang nais na simple at intimate wedding ni Kaye ay tila imposibleng mangyari dahil mahigit 600 ang inaasahan nilang bisita na ang iba ay magmumula pa ng Maynila.

Matapos ang engagement ng couple last May 17, 2016 na itinaon pa sa kaarawan ni Kaye, agad nilang plinano ang grand wedding. 

Magiging mister ni Camille iiwan ang career sa US

Ang bunsong anak ni Vic “Bossing” Sotto na si Paulina Sotto at fiancé nitong si Jed Llanes ang magbubukas sa taong 2017 sa pagpapakasal. Ang couple ay nakatakdang ikasal on January 1, 2017, New Year’s Day. 

Sa buwan din nakatakdang ikasal ang dating magka-klaseng sina Camille Prats at VJ Yambao na gaganapin sa lugar kung saan ikinasal din ang nakatatandang kapatid niyang si John Prats at misis na nito ngayong si Isabel Oli, ang Nayomi Sanctuary Resort in Batangas na pag-aari mismo ng pamilya Prats.

Ang pre-nup photo shoots ng couple ay kinunan pa sa iba’t ibang lugar ng California kung saan naka-base si VJ.

Napag-alaman namin na sa Pilipinas na umano magbi-base si VJ to be with her wife-to-be at anak nito sa nasirang asawang si Anthony Linsa­ngan na si Nathan (8).

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with