^

PSN Opinyon

Lubusin na ang paghigpit sa trapik

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KAPAG umuulan ba ay wala nang silbi ang batas-trapiko? Dahil wala nang mga traffic enforcer sa mga interseksyon, maging PNP-HPG o mga MMDA kapag umuulan, kanya-kanya at pasensyahan na lang? Tila ganito ang nagiging kalakaran kapag bumuhos na ang ulan. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit mas luma­lala ang trapik kapag umuulan na. Pati ang motorcycle lane na hihigpitan daw sa EDSA, C5 at Macapagal Avenue ay hindi rin natutupad dahil umulan na. Kung ganito lang ang kalakaran, ano ang maaasahan natin sa mga buwan na tag-ulan pa?

Ngayon, papatawan naman ng mas mabibigat na multa ang mga bus na nagbababa at sumasakay na pasahero nang wala sa tamang lugar. Ngayon lang nila naisip ito? Dapat noon pa. Hindi mahirap intin­dihin na ang mga pampasaherong sasakyan ang kadalasang sanhi ng mga trapik, kahit saan. Maging mga malalaking kalsada o maliit, mga hindi sumusunod sa tamang lugar para magsakay at magbaba ng pasahero ang sanhi ng trapik. Mga pampasaherong jeepney na hihinto kahit saan, para lang makapagsakay ng pasahero, kahit nakaharang na sa daanan. Minsan, hindi pa nga sumusunod sa mga ilaw. Berde na pero nakatigil pa rin para magsakay ng pasahero, kahit hinaharangan ang isang hanay ng kalsada. Ito ang dapat hinuhuli, pinapa-seminar at minumultahan. Kapag pasaway pa rin, kanselahin na ang lisensya.

Kung magiging mahigpit lang ang MMDA at PNP-HPG sa trapik, lubusin na. Hindi tuwing naisip lang. Hindi pana-panahon lang. At walang pinipili. Lahat ay dapat sumunod, pati mga tricycle at kung ano pang mga sasakyang gumagamit ng kalsada. Pati ang mga tumatawid ng kalsada sa maling lugar, hulihin na rin. Isa rin ito sa mga sanhi ng trapik, at aksidente. May mga pedestrian overpass naman, ayaw naman gamitin at pipiliting tumawid sa malalaking kalsada. Kapag naaksidente, walang laban ang mototista at kasalanan pa niya.   

Malapit na ang Disyembre. Sigurado mas matindi pa ang trapik. Maaasahan ba natin ang mga nakadestino sa kalsada na hindi sila aalis kapag umulan na? O pasensyahan na lang talaga?

vuukle comment

PNP-HPG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with